Heart Evangelista ibinandera ang pagde-debone ng bangus: I did it but I failed!

Heart Evangelista ibinandera ang pagde-debone ng bangus: I did it but I failed!

PROUD na proud ang Kapuso star at vlogger na si Heart Evangelista matapos siyang makapag-debone ng isdang bangus noong bumisita siya sa Dagupan, Pangasinan.

Pag-amin ng aktres, ito raw ang unang pagkakataon na nakapagtanggal siya ng tinik ng bangus na sinubukan niya dahil nga kilala sa bangus ang lugar ng Dagupan.

“So today I learned for the first time magtanggal ng tinik lintik of the bangus,” saad ni Heart sa kanyang Instagram reels.

Bagama’t first time niya ang magtanggal ng tinik ay masaya niyang ibinahagi na talagang nag-enjoy siyang gawin ito.

“It was such an experience and I did it but I failed. That was just for the picture. Charot! I really really enjoyed it,” birong dagdag ni Heart.

 

 

Nagpasalamat rin siya sa mga nakasama niya sa palengke.

“Thank you so much for welcoming me! I had so much fun in the palengke. I loved doing that.”

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa video ni Heart.

“I love how game you are with deboning the bangus,” comment ng isang netizen.

Curious na tanong naman ng isang netizen, “Inuwi mo ba the bangus that you deboned?”

Sa ngayon ay talagang puspusan na ang pangangampanya ng aktres para sa asawang si Chiz Escudero na kasalukuyang tumatakbo sa pagkasenador ngayong darating na eleksyon.

Matapos ang pagdalaw ni Heart sa Dagupan, Pangasinan ay dumiretso naman ito sa Cavite para sa pangangampanya.

Related Chika:
Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company

Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

Read more...