Ella Cruz aminadong lumabag sa 'rules' para sa pag-ibig | Bandera

Ella Cruz aminadong lumabag sa ‘rules’ para sa pag-ibig

Reggee Bonoan - April 23, 2022 - 08:50 PM

Ella Cruz aminadong lumabag sa 'rules' para sa pag-ibig

SA barkadahan ay may tinawag silang Bro at Sis code at kapag na-break ang rule na ito ay may consequences.

Kaya namin nabanggit ito ganito ang tema ng kuwento ng pelikulang “Rooftop” na idinirek ni Yam Laranas na obviously horror-thriller na forte ng premyadong direktor.

Ang mga bida sa pelikula ay sina Ryza Cenon, Ella Cruz, Marco Gumabao, Marco Gallo, Rhen Escano, Andrew Muhlach, at Epy Quizon na magkakaibigan at dahil sa kasabihang YOLO or You Only Live Once kaya sinubukan nilang magpasaway na sumobra sa inakala nila kaya ang ending ay trahedya.

Sa tanong sa cast na dumalo sa zoom mediacon ng “Rooftop” kamakailan kung nasa personalidad nilang mag-break ng rules or stick sila sa rules nila. At paano naman matatawag na worth it kapag nag break ka ng rules.

Unang sumagot si Ryza, “wala po sa personality ko ang mag break ng rule kasi takot akong mapagalitan since nu’ng bata ako. So, kung worth it mag break ng rules siguro sa tamang taong mahal mo hindi maiiwasan especially now na mother na ako, siguro sa anak ko.”

Sabi naman ni Ella, “siguro nu’ng mas bata po ako madalas akong nagbi-break ng rules pero siguro hindi naman ‘yung super strict na rules. Wala naman akong maalala na brineyk kong rules. When it comes to love especially noong bata pa ako akala natin lahat, alam na nating lahat pero as time goes by pag nagma-mature ka doon mo maiisip na, ‘ah tama pala ‘yung sinabi ng nanay ko.’

At inamin ni Ella na ang worth it na brineyk niyang rule ay para sa boyfriend niyang si Julian Trono, “kasi were okay anywhere and still together.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ꫀᥴ 🪐 (@ellacruz)

 

Kabaligtaran naman daw ni Ella si Rhen, “nu’ng bata po kasi ako masunurin kasi mas iniisip ko parati was kung ano ang mararamdaman ng mga tao, kung ano yung magiging epekto ng mga actions ko. So, mine-make sure ko na sinusunod ko ang lahat ng dapat gawin ang mga rules.

“And noong medyo tumanda na ako, parang na-feel ko na feeling ko nagpapaka-playing safe ako and feeling ko hindi ako nago-grow. I’m not saying na kailangan nating mag-break ng rules. Sa akin lang, nu’ng nag-start ako (showbiz) parang whatever break the rules, YOLO, mga ganu’n. Nagkamali ako so may natutunan ako kasi nag break ako ng rules and doon ko na-realize na nag-grow ako. Walang masama sa pagbi-break ng rules for me.”

Si Marco Gallo, “I think mine is the same as Ella before when I was a kid I grew up in a little town in Italy and you know like who care. The only person that was gonna take charge actually was my parents and I don’t really care about that time.

“But then when I moved here in the Philippines and started working and then and you know I grew up and I didn’t want to break the rules anymore because mananagot ako sa bosses and you know it’s the real life. I’m not teenager anymore I have to own up to my mistakes whatever.

“I feel the only rule I break day to day basis is the bicycle lane on Edsa where all the motorcycle people go on, I go on there, too. I’m sorry.”

Ang gustong tukuyin ni Marco ay mayroong lane para sa mga bisikleta at motor pero dito pa rin dumaraan ang mga kotse kaya bilang dalawang gulong ang sasakyan niya ay napapadaan na rin siya sa lane ng mga sasakyang apat ang gulong.

Sabi pa ni Marco, “Ang mga car driver tulad ni Ella na nanakop ng lane for motorcycle (at bicycle).”

Tulad ni Ryza ay wala rin sa personalidad ni Andrew ang mag-break ng rule sabi niya.

“Wala sa personality ko ang mag break ng rule. Ever since kahit nu’ng bata ako sumusunod na ako sa mas nakatatanda sa akin, kasi ayaw kong mamublema talaga. Kung anong gusto nila, e, di go, sasama lang ako sa mga tao, ganyan,” say ng kapatid ni Aga Muhlach.

Samantala pagkalipas nang mahigit dalawang taon ay ipalalabas ng Viva Films at ALIUD Entertainment ang “Rooftop” sa exclusively SM Cinemas simula sa Abril 27 at hindi ito sa Vivamax.

“Nakaka-pressure kasi kami ‘yung una at alam naman natin na halos lahat ng tao ay takot lumabas especially sa sinehan kasi kulob sana suportahan ng mga Pilipino ‘yung movie and actually, kinakabahan ako,” pag-amin ni Ryza.

Say naman ni Ella, “Actually excited ako pero nakakakaba kasi siyempre iba pa rin ‘yung nakasanayan na nakahilata sila sa kama nila na manonood lang sila sa Vivamax and they can subscribe for P149 tapos ngayon magbabayad sila ng P200 for just one movie, di ba? Pero siyempre iba pa rin ‘yung experience na makakagala ka kasama mo ‘yung trop among manood ng horror film. Iba ‘yung feel ng horror kapag nasa cinema house ka talaga mas feel mo kasi surround pa ‘yung sounds. Sana suportahan ng lahat.”

Ganito rin ang sabi ni Rhen na takot at excited sa pagpapalabas ng “Rooftop” sa sinehan dahil nga ang big question mark ay kung susuportahan ito ng publiko kahit maraming digital platforms ngayon.

Pero para kau Rhen ay mas magandang panoorin sa big screen ang pelikula lalo nap ag horror dahil iba ang experience. Kaya sana bigyan ng chance ang local films na panoorin ito sa big screen.

Iba naman ang pananaw ni Marco dahil sa tingin niya ay hindi na takot ang mga tao dahil halos lahat ay bumibiyahe na sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at nagpupunta pa sa ibang bansa na halos wala ng social distancing ngayon. Kaya sa pananaw niya ay excited ang mga taong manood ngayon ng pelikula pagkalipas ng ilang taong hindi nakapapasok ng sinehan.

Maging si Andrew ay excited din maipalabas ito sa sinehan dahil first time rin niyang papasok sa sinehan na magkakaroon ng premiere night sa darating na Lunes, Abril 25 sa SM City, North Edsa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu

Ella Cruz kinawawa nu’ng high school: Yun ang pinakamagulong parte ng buhay ko

Campaign color ng ama ni Ella Cruz walang konek kay VP Leni; farm hunting ni Xian napurnada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending