Sylvia Sanchez pagpo-produce muna ang aasikasuhin habang bakasyon sa paggawa ng teleserye

Sylvia Sanchez pagpo-produce muna ang aasikasuhin habang bakasyon sa paggawa ng teleserye

Sylvia Sanchez

ANG iWantTFC 6-episode series na “Miss Piggy” ang unang project ng magkakapatid na Arjo, Ria, Gela at Xavi Atayde bilang producer under Nathan Studios na pag-aari nilang pamilya.

Base sa kuwento ni Sylvia Sanchez pagkatapos ng screening na ginanap sa Santolan Town Plaza, San Juan nitong Huwebes ng gabi ay matagal na nilang gustong mag-produce at nauna na nga ang anak niyang si Arjo Atayde sa pelikula nitong “Hey Joe” under his own production company na Feelmaking Productions, Inc.

“Itong Miss Piggy ang bale first produce namin ni Ria with Dreamscape tapos ang Epic Media ang line producer,” bungad ng aktres.

Sa tanong kung bakit hindi pelikula ang first project nilang mag-ina as producer.

“E, di ba hindi pa naman bumabalik ang movie, sa iWant-iWant palang, mga ganu’n. Pero mayroon na kaming prinodyus ulit, una ito tapos mayroon na ulit dalawang ipo-prodyus pa, slowly, slowly,” saad ni Ibyang.

Ang pagpo-produce muna ang pagkakaabalahan ng aktres habang nakabakasyon siya sa paggawa ng teleserye hanggang katapusan ng taon dahil kinailangan niyang magpahinga at makawala muna sa karakter niya bilang nanay.

“Tanggalin ko muna si Barang (Huwag Kang Mangamba) sa sistema ko. Saka di ba sunud-sunod din Greatest (The Greatest Love), Hanggang Saan, Pamilya Ko tapos Huwag Kang Mangamba na literal talagang umiiyak na ako sa Barang (karakter) kasi ang hirap no’n.

 

 

“Emotionally and physically drained talaga kaya sabi ko pahinga muna ako pero bago ako nag decide na pahinga ako, natanggap ko na itong offer na ito (Miss Piggy) kaya nag-decide na ako na i-prodyus ko tapos tapusin ko muna ito kasi 8 days taping lang pagkatapos wala na.

“Unlike sa serye two weeks, three weeks tapos hanggang 4 cycles, di ba? Tapos ito isang beses lang kaya pinayagan. Kaya sabi ko kay Ria after nito, pahinga muna ako. Saka busy ako ngayon sa kampanya,”mahabang paliwanag ng aktres.

Come June, 2022 ay bound for New York City, USA naman si Sylvia para samahan naman ang anak na si Gela dahil may kailangan siyang panoorin doon at siya ang kasama.

“Isang buwan kami ro’n bonding na rin namin pagbalik koi so-shoot na naman ng isang movie ang production namin, si Ria ang (bida) at off-cam ako,”say ni Sylvia.

Samantala, masaya at maayos ang first experience nila bilang producer ng “Miss Piggy” dahil mababait daw ang cast.

“Ang saya-saya kasi mababait ang mga actors namin. Wala akong sakit ng ulo sa kanila. Ako ang sakit ng ulo nila kasi sabi nga nila, pakain ako ng pakain kahit busog na sila. Doon ako nag-e-enjoy, eh,”sambit ng baguhang producer.

Ang asawang si Papa Art Atayde ang isa rin sa producer ng “Miss Piggy”, “siya ang financier haha, haha. Sabi ko, pengeng pera magpo produce ako.”

Tanong namin na kapag kumita ay kanya na, “Oo, akin na lang, pero hindi pera ito ng pamilya.”

Anyway, mapapanood na ang “Miss Piggy” simula sa Lunes, Abril 25 sa iWantTFC at iba pang platforms ng Kapamilya network.

Bukod sa mag-inang Sylvia at Ria ay kasama rin sa Miss Piggy sina Iana Bermudez, Nikko Natividad, Rubi-Rubi, Fino Herrera, Kylie Avelino, Gilleth Sandico, Elijah Canlas at Ricky Davao mula sa direksyon ni Carlo Enciso Catu.

 

Related Chika:
Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Sylvia Sanchez may ‘parinig’ sa mga anak: Hintay na lang talaga ako ng apo ko

 

Read more...