Margie Moran itinanggi ang pag-endorso kay Leni Robredo

Margie Moran itinanggi ang pag-endorso kay Leni Robredo

PINABULAANAN ni Miss Universe 1973 Margie Moran ang kumakalat na balitang kasama siya sa mga beauty queens na nag-endorso sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Aniya, “fake news” raw ang kumakalat na impormasyon na may larawan niya kasama ang tatlo pang Miss Universe title holders na sina Gloria Diaz, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.

“3 out of 4 Miss Universe from the Philippines (Margie, Pia, and Catriona) endorsed Leni Robredo as their president,” caption sa isang kumakalat na Facebook post.

Kaya naman agad niyang nilinaw na walang katotohanan ang nasabing Facebook post.

“This post is fake news. I will not compromise my position as a government official by endorsing a candidate,” saad ni Margie sa kanyang Instagram post.

Dagdag pa niya, “My choice is who I think will serve the nation best.”

 

 

Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ng dating beauty queen.

“Hahahahaha! Pahiya ngayon ang mahilig magkalat ng fake news! Atleast Ms. Margie Moran is a queen not because of TV network franchise but a queen with delicadeza!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “With all due respect madam, may we know who do you think will serve our country best?”

“You deny [that] it is not Robredo… So who you vote and support is a reflection of your person. And I thank you,” sey naman ng isang netizen.

Kasalukuyang chairperson ng Cultural Center of the Philippines si Margie Moran.

Sa mga hindi aware, ang mga opisyal ng pampublikong tanggapan ay hindi maaaring mag-endorso ng kanilang napupusuang kandidato sa eleksyon.

Samantala, kamakailan lang nang magpahayag ng pagsuporta ang dalawang Pinay Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray para sa tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

 

Related Chika:
Catriona Gray lumantad na, ibinandera ang pagiging Kakampink: There is power in a single vote

Billy Crawford may napili na sa Eleksyon 2022: Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, kundi pati sa gawa

Pia Wurtzbach nakaboto na ng presidente ng Pinas sa Abu Dhabi; Camille Prats inilantad na rin ang tunay na ‘kulay’

Read more...