AJ Raval isinakripisyo ang pagbibida sa 'Scorpio Nights' para muling makapag-aral, bawas na rin sa paghuhubad | Bandera

AJ Raval isinakripisyo ang pagbibida sa ‘Scorpio Nights’ para muling makapag-aral, bawas na rin sa paghuhubad

Reggee Bonoan |April 19,2022
facebook
share this

AJ Raval isinakripisyo ang pagbibida sa ‘Scorpio Nights’ para muling makapag-aral, bawas na rin sa paghuhubad

Reggee Bonoan - April 19, 2022 - 07:57 AM

AJ Raval at Vince Rillon

ANO nga kaya ang tunay na nangyayari kay AJ Raval at dalawang pelikula na mula sa Viva Films ang tinanggihan niya — ang “Scorpio Nights 3” at “Us & Her”?

May nagbabawal na ba sa kanyang gumawa ng mga love scenes o nagsasawa na ba siyang maghubad sa harap ng mga camera?

Anyway, it’s AJ’s loss and Christine Bermas’ gain dahil siya na ang final choice ni Boss Vic del Rosario para sa remake ng “Scorpio Nights” na unang pinagbidahan noong 1985 nina Anna Marie Gutierrez at Orestes Ojeda at idinirek ng namayapang Peque Gallaga.

Super blockbuster at talk of the town ang pelikulang ito at talagang umingay nang husto ang pangalan ni Anna Marie bilang unang pelikula niya kasama rin ang baguhan noon na si Daniel Fernando at ikaapat na pelikula naman ng namayapang si Orestes Ojeda.

Dahil sa success ng “Scorpio Nights” ay nagkaroon ito ng part 2 noong 1999 na pinagbidahan naman nina Joyce Jimenez at Albert Martinez mula sa direksyon ni Erik Matti.

Kumita at umingay din ang pangalan ni Joyce pero mas marami pa rin ang nagkagusto sa unang “Scorpio Nights.”

At pagkalipas ng 35 years ay heto’t ire-remake uli ng Viva na ang gaganap nga ay ang baguhang sexy star na si Christine Bermas na nakilala sa mga pelikulang “Silab” (2021), “Sisid” (2022), “Siklo” (2022) at “Moonlight Butterfly” (2022).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Going back to AJ, sinagot naman ng dalaga kung bakit niya tinanggihan ang “Scorpio Nights 3” sa virtual mediacon ng “Kaliwaan” kahapon na mapapanood na sa April 29 sa Vivamax mula sa direksyon ni Daniel Palacio.

Aniya, “Actually kung mas nagawa ng earlier ang Scorpio Nights or this month, April siguro magagawa ko pa rin po. May goal po kasi ako, this June pasukan na po at plano kong mag-enrol kaya lie low po muna ako sa pagpapa-sexy. Mag-aaral po muna ako.”

Pero nagpapasalamat si AJ sa Viva bosses na in-offer sa kanya ang “Scorpio Nights” at nagsisimula pa nga lang daw siya noon sa Viva Films ay napag-uusapan nang siya ang bibida ‘yun nga lang kailangan na niyang mamili ng projects dahil balik-estudyante siya ngayong 2022.

Dagdag pa ni AJ, “Malungkot din po ako na isa ang Scorpio Nights sa isasakripisyo ko kasi nga po mag-aaral ulit ako.”

Pero hiniritan pa rin ang dalaga na baka hindi rin niya nagustuhan ang script kaya totally tinanggihan niya ito, “Script po? Well, ayoko po magsinungaling pero may ganu’n din part sa akin sa Scorpio Nights kasi parang nagbabawas na rin ako sa pagpapa-sexy at napag-usapan na namin ito ng manager ko at ng Viva.

“Wala naman pong problema na magpa-sexy, itutuloy ko pa rin naman pero gusto ko rin pong matupad ‘yung dream ko na mag-action,” paliwanag ni AJ.

Naging palaisipan sa amin kung ano naman ang ibig sabihin ni AJ sa sinabi niyang magpapa-sexy siya pero dapat “meaningful.” Ibig bang sabihin hindi meaningful para sa kanya ang mga pelikulang nagawa na niya sa Viva Films na ipinalabas sa Vivamax katulad ng “Death of A Girlfriend”, “Hugas,” “Taya,” “Nerisa” at iba pa.

Anyway, gagampanan ni AJ ang karakter na Monica sa “Kaliwaan” na isang spa girl at mataas ang ambisyon sa buhay. Karelasyon niya si Vince Rillon as Boogie na isang security guard. Sa kabila nito, nagawa niyang makipagsiping kay Raji, isang bigating businessman na ginagampanan ni Juami Gutierrez.

Sa galit ni Boogie ay reresbakan niya si Raji na siya namang mako-comatose. Ikakanta ni Monica sa mga pulis ang krimen na ginawa ni Boogie.

Hihingi ng proteksyon si Boogie sa tiyuhin niyang pulis na si Marlon, ginagampanan ni Mark Anthony Fernandez.

Habang sinusubukan ni Boogie makipag-ayos kay Monica, hindi niya alam na may panganib na nag-aabang sa kanya, dahil maghihiganti sa kanya ang pamilya ni Raji.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Kaliwaan” ang ikawalong Vivamax project ni AJ Raval at una niyang nakatrabaho si Vince sa “Captive” na idinirek ni Brillante Mendoza at katorse pa lang daw siya noon.

Christine Bermas pinalitan si AJ Raval sa remake ng ‘Scorpio Nights’: Lahat ng ipagagawa sa akin, kakayanin ko

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

Ina ni AJ Raval tinawag na ‘anak’ si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending