Sean de Guzman inalok ng bahay, kotse, pera kapalit ng sex, pero hindi raw tinanggap
MARAMING indecent proposal na natatanggap ang sexy actor na si Sean de Guzman mula nang makilala siya sa mga bold and daring movies ng Vivamax.
Ayon sa binata, iba’t ibang klase ng “proposal” ang nare-receive niya mula sa mga taong handa siyang bigyan ng malaking halaga ng pera at kung anu-anong materyal na bagay kapalit ng sex.
“Meron akong natatanggap but hindi ko ine-entertain kumbaga kasi naniniwala ako sa tamang proseso. Kumbaga kung may gusto kang isang bagay, makukuha mo yun sa tamang proseso,” katwiran ni Sean.
Paliwanag pa niya, “Kahit mabagal man o mabilis yung prosesong yun, dapat maghintay ka lang kasi darating at darating ang tamang panahon para sa yo.
“Yung mga nag-o-offer, may nag-aalok ng pera, mga sasakyan, bahay. Pero siyempre, alam ko na may kapalit kapag ganu’n, eh. Kaya cancelled. Ha-hahaha! Hindi ako na-tempt,” sabi pa ng palabang sexy actor.
View this post on Instagram
Napapanood ngayon si Sean sa latest Vivamax original sexy-drama at suspense movie na “Island of Desire” kasama si Christine Bermas and directed by Joel Lamangan. Ilan pa sa mga naging projects niya ay ang “Mahjong Nights”, “Taya” at “Hugas.”
“Ang nagustuhan ko sa character ko sa ‘Island Of Desire is iba yung istorya. Kakaiba nga na hindi mo inaasahan mangyari sa utak ng isang tao yung ganu’ng bagay,” kuwento ni Sean.
At tulad ng ibang baguhang artista, naranasan din ni Sean na mapagalitan ni Direk Joel, “Nasigawan na ako at napagalitan na ni direk dahil may mga bagay na hindi ko pa alam. Pero hindi ka naman niya pagagalitan or pagsasabihan ng walang dahilan.
Kumbaga, dun sa pagkakamali mong yun, du’n ka dapat matututo.
“Wala na kasi akong matandaan na sinabi ni direk or napagalitan ako, pero ang lagi niyang sinasabi sa akin ay dapat maging mahusay akong artist kung gusto kong tumagal sa industriya,” sabi pa niya.
Patuloy pa ni Sean, “Nagtatanong din ako kay direk. Kasi kailangan yung communication between actor and director.
“Kailangan yung nagkakaintindihan kung ano yung interpretation ni direk dun sa eksena ay yun ang gagawin. At siyempre may freedom naman kaming mga actors to do the scene, kung ano yung nararamdaman talaga nila dun sa eksena. Yun yung binibigay sa amin ni direk,” chika ng binata.
Paano naman niya hina-handle ang mga bashers? “Yung mga bad comments na nababasa ko through social media, tini-take ko siya as parang in a positive way, kumbaga hinahayaan ko na mag-comment sila ng bad comments kasi nagagamit ko din yun.
“Nagiging bala ko, mas namo-motivate ako, mas ginagalingan ko pa kumbaga. Hindi ako masyado nagpapa-apekto, hindi ako masyado nagpapadala sa mga masasamang sinasabi sa akin.
“Kung sinasabihan ako na, ‘Maghubad ka na lang! Maghubad na lang kayo!’ mga ganyan, mas ini-improve ko, kumbaga pinapatunayan ko na mas may acting,” dagdag ng aktor.
https://bandera.inquirer.net/301795/aj-sean-hindi-na-nagtakip-ng-private-parts-sa-love-scenes-wala-na-kaming-pakialam-kung-makita
https://bandera.inquirer.net/303299/aj-sean-pangarap-makasali-sa-mga-intl-filmfest-gusto-naming-mapabilib-ang-mga-tao
https://bandera.inquirer.net/291515/aj-raval-sean-de-guzman-walang-inuurungan-palaban-sa-todong-hubaran
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.