Jake Ejercito nanindigan para kay Aika Robredo: Nakakabilib ang batang ito! | Bandera

Jake Ejercito nanindigan para kay Aika Robredo: Nakakabilib ang batang ito!

Therese Arceo - April 12, 2022 - 07:00 PM

Jake Ejercito nanindigan para kay Aika Robredo: Nakakabilib ang batang ito!

HINDI naman kaila na isa si Jake Ejercito sa mga artistang nagpapakita ng suporta para sa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo at sa ka-tandem nitong si vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan.

Kaya nga mas marami ang patuloy na humahanga sa aktor dahil sa kanyang paninindigan sa kabila ng pagkakaiba nila ng kanyang mga kapamilya sa kandidatong sinusuportahan.

Sa kabila ng hayagan pagsuporta ni Jake sa tambalang Leni-Kiko ay ang pagsuporta naman ng kanyang mga kapatid na sina Jinggoy Estrada at Jerika Ejercito kay presidential candidate Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio.

At kahapon nga ay sumama na rin ang aktor sa mga volunteers na nag-house-to-house para ikampanya sina VP Leni at Sen. Kiko at ang buong tRoPang Angat Buhay.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha sa ginawa nilang pagbabahay-bahay.

“H2H for Leni-Kiko in Tondo yday! Nothing too much for the fight of our lives,” saad ni Jake.

“Support and reach out to your local volunteer groups! Kumatok, kumausap, kumimbinsi. Ipanalo na10 ang gobyernong tapat para sa bawat Pilipino,” dagdag pa niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

 

Bukod pa rito, isa ang aktor sa mga tumindig para kay Aika Robredo, panganay na anak ni VP Leni, na kasalukuyang biktima ng mga malilisyong balita patungkol sa pekeng sex video na ang layunin ay sirain at atakihin ang dalaga.

“Stand with Aika. Do it like Aika. Tao sa tao, ngiti sa ngiti,” saad ni Jake sa kanyang tweet.

Marami naman ang humanga sa aktor sa kanyang patuloy na pagtindig para sa bansa.

“Nakakabilib itong batang eto na kahit na halos ang pamilya niya ay para sa Marcos, nagawa pa niyang suportahan si Leni-Kiko gamit ang puso ar tamang pag-iisip. May mararating ka Jake! Salamat sa pagtindig! Mabuhay ka! God bless!” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “You are such an amazing man, from Ellie to your choice of candidate. Salute!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Jake Ejercito lantaran ang suporta kay VP Leni Robredo

Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika

Jake Ejercito may sorpresang ‘pink’ birthday celebration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending