Kilalang aktor ayaw nang kunin bilang product endorser, ka-loveteam na aktres problemado
HINDI pa kayang magsolo sa kanyang career ang isang aktor na may ka-partner na aktres. Sikat ang loveteam na bida sa blind item na ito.
Maraming product endorsements si aktres at kapag may kumukuha sa kanya ay parati niyang inirerekomenda ang ka-loveteam na aktor na kunin na rin para package deal o kaya sa ibang produkto na iisa naman ang may-ari.
Pero hindi pumasa sa ibang partners ng kumpanya ang aktor dahil walang personalidad at kapag kinausap ay wala namang lalim bukod pa sa wala pang napapatunayan kapag nagsosolo siya dahil laging nakakabit ang pangalan niya sa ka-loveteam na aktres.
Ilang beses nang inirekomenda ang aktor at sa isang produkto lang pumasa dahil pinagbigyan lang ang hiling ng aktres dahil naging kaibigan na nila ang may-ari.
Ang iniisip ngayon ng may-ari ay malapit nang mag-renew ng kontrata ang aktres at ayaw na nitong kunin si aktor na hindi naman alam kung paano ito sasabihin.
Ikinalungkot ito ng aktres dahil paano nga naman din niya ito ipapaliwanag sa ka-loveteam na siya lang ang magre-renew ng kontrata? Asang-asa pa naman daw ang aktor sa produktong ito dahil may pinaglalaanan siya.
Sinilip namin ang social media account ng aktor at milyones naman ang subscribers niya pero bilang nga lang ang ineendorso niyang produkto na kasama nga ang aktres.
Bigla ngang tumaas ang subscribers sa Instagram ng aktor dahil na-link siya sa sikat na aktres. Ngayon ay kaliwa’t kanan na ang product endorsement nito at ayaw nang mag-taping o shooting.
Going back sa ka-loveteam ng aktres ay mukhang lalamlam ang career nito kapag hindi siya naagapan ng management niya lalo na ngayong naungusan na siya ng kasabayan niyang aktor din na naitambal sa tamang aktres.
* * *
Palabas ngayon sa iWantTFC ang nanalong Best Film sa 2021 Klima Film Festival (KFF) na tungkol sa isang babaeng pumunta sa Mars upang iligtas ang planet Earth.
Libreng napapanood sa Pilipinas sa iWantTFC ang “Viridescent,” isang sci-fi film tungkol sa isang babaeng scientist na mapipilitang ipagpatuloy nang mag-isa ang isang importanteng misyon sa Mars upang mailigtas ang planet Earth pagkatapos niyang hindi makasundo ang isang software engineer.
Nanalo ito ng Best Film sa KFF at tatlong major awards – ang Best in Climate Advocacy, Best Production Design, at Best Cinematography.
Ang KFF ay inilunsad ng Climate Change Commission at ng Oscar M. Lopez (OML) Center noong 2020 para ipakita ang epekto ng climate change sa mundo sa pamamagitan ng kapanapanabik na mga pelikula na nilikha ng mga kabataang Pilipino.
Ang KFF ay bahagi ng “Balangay Project” ng OML Center na nagnanais na isalaysay ang mga kwento ng klima sa kontektso ng karanasan ng mga Pilipino.
Ang first runner-up na “Sigalot sa Pagitan ng Tao at Kalikasan” ay tungkol sa tatlong magkakapatid na mapupuna dahil sa kagustuhan nilang alagaan ang kalikasan. Nariyan din ang pelikulang “Tanaw” na itinanghal na second runner-up na tungkol naman sa isang batang babae na magkaka-interes sa konsepto ng quarrying.
Napapanood din ang 2021 KFF finalist na “Modern Stray,” kabilang na rin ang sampung 2020 KFF finalists na “Drawings,” “Grow My Mind,” “Jeremiah at ang Bayan ng Gomorrah,” “Liham,” “Litrato,” “Our World,” “Resilience,” “Si Hiraya at ang Diwa,” “Tinig,” at “Verdant.”
Mapapanood ang mga pelikulang ito gamit ang iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com). Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
https://bandera.inquirer.net/298440/sikat-na-aktres-laging-hinihiya-at-tinatalakan-ng-ka-loveteam-na-young-actor
https://bandera.inquirer.net/303742/donny-inisa-isa-ang-mga-nagustuhan-sa-ka-loveteam-belle-and-i-are-in-a-happy-place-right-now
https://bandera.inquirer.net/298031/xian-gaza-biglang-kambyo-sa-pasabog-na-blind-item-diego-barbie-dedma-lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.