Regine bumanat sa mga 'magnanakaw' sa socmed; pasabog ang birthday message kay Kim | Bandera

Regine bumanat sa mga ‘magnanakaw’ sa socmed; pasabog ang birthday message kay Kim

Ervin Santiago |April 12,2022
facebook
share this

Regine bumanat sa mga ‘magnanakaw’ sa socmed; pasabog ang birthday message kay Kim

Ervin Santiago - April 12, 2022 - 09:26 AM

Regine Velasquez at Kim Chiu

NAKAKALOKA at “nakakaiskandalo” ang birthday greeting ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu.

Nag-post ang misis ni Ogie Alcasid ng bikini photo ni Kim sa Instagram kalakip ang paandar niyang advance na pagbati sa dalaga na magse-celebrate ng kanyang 31st birthday sa April 19.

Sa simulang bahagi ng kanyang caption, tinalakan muna ni Regine ang mga netizens na “nagnanakaw” ng kanyang mga litrato sa social media para i-post sa kanilang personal accounts.

“Hay nako sobra na talaga akong naiirita sa mga taong lagi na lang ninanakaw mga pictures ko tapos ipopost sa account nila ba parang sila may….,” ang pabiting chika ng Songbird.

At sinundan nga niya ito ng, “Ay wait hindi ba ako to??? Kasi parang kapareho ng abs ko eh, pasensya tao lang nangangarap lang.

“Happy Birthday nga pala @chinitaprincess. Sobrang akong happy na super friends na tayo ngayon kasi alam mo naman I’m only friends with the rich and sikat you know,” ang birong hirit pa ng singer-actress at TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Patuloy pa niya, “No but I’m so happy getting to know you better you are a wonderful person (bekenemen) Happy Birthday again our dear Chinita.”

Nagkomento naman si Kim sa pasabog na IG post ni Regine at tawang-tawa raw siya sa caption na isinulat nito sa sexy photo niya. Super thank you rin ang dalaga sa pagbati ng Songbird sa kanya.

“Awww!!! Hehhehe love you mis reg!!!! salamat sa pa advance birthday greetings.

“I love you so much po!!!! Natawa ako sa caption!:) hehheheheheheh pa lechon na ba ulit miss reg???” sey ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinusuan naman ng mga netizens at fans ni Kim ang nakakaaliw na birthday greeting ni Regine at may ilan sa kanila ang nagsabing sana raw ay gumawa rin ng teleserye ang dalawang Kapamilya stars in the future.

Ogie naging ‘kawawa’ raw nang pakasalan si Regine, nabawasan nga ba ang kasikatan?

Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Angel Locsin kay Neil Arce: Panalo ako sa pagmamahal at kasiyahan na ibinigay mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending