Angel ibinandera ang tunay na itsura: This is me...no filter, no suklay, and of course—no ligo! | Bandera

Angel ibinandera ang tunay na itsura: This is me…no filter, no suklay, and of course—no ligo!

Ervin Santiago |April 10,2022
facebook
share this

Angel ibinandera ang tunay na itsura: This is me…no filter, no suklay, and of course—no ligo!

Ervin Santiago - April 10, 2022 - 01:23 PM

Angel Locsin

PINUSUAN at umani ng sandamakmak na positibong komento ang “no ligo” at “woke up like this” look ng TV host-actress na si Angel Locsin.

Ibinandera ng Kapamilya actress at philanthropist ang kanyang selfie photo sa Instagram with her bare face na talaga namang bentang-benta sa netizens.

Kung hindi kami nagkakamali ito ang unang pagkakataon na nag-share ang misis ng film producer na si Neil Arce ng kanyang litrato na walang make-up at walang kaayus-ayos.

Pero in fairness, halos lahat ng mga followers niya sa IG ay nagsabing napakaganda pa rin ng aktres kahit bagong gising at hindi pa naliligo.

“This is me kapag toothbrush lang ang labanan sa umaga lol. No makeup, no filter, no suklay, and of course—no ligo,” ang caption ni Angel sa ibinahagi niyang Instagram Story.

Bukod dito, mukhang plano rin ni Angel na magbago ng hairstyle matapos tanungin ang kanyang mga fans kung may suggestion ang mga ito para sa pagbabago niya ng hairdo.

Nauna rito, sinagot ni Angel ang mga taong nanlalait sa kanyang katawan, “Yes, malaki ako. Eh, ano naman ngayon? Bakit may kawalan ba?

“Minsan kung makalait pa ‘yung iba, tinitingnan ko ‘yung profile picture, excuse me naman sa ’yo ah. Minsan mapapa-smile na lang ako na okay ouch, nahiritan ako pero pagtingin ko sa profile pic, okay lang,” aniya sa panayam ni Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Ipinagdiinan niya na hindi ang kanyang katawan ang magde-define sa kanyang katauhan at personalidad at kahit malaki siya ay tanggap na tanggap pa rin siya ng asawang si Neil Arce.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)


“Minsan kung makalait pa ‘yung iba, tinitingnan ko ‘yung profile picture, ‘excuse me naman sa ‘yo.’ Minsan mapapa-smile na lang ako na okay ouch, nahiritan ako pero pagtingin ko sa profile pic, okay lang,” lahad ni Angel.

Tungkol naman sa ginagawa niyang pagpapapayat, “I’m trying but I am not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko ‘yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I really don’t care.”

Dagdag pa niya, “What I mean is I don’t care kung ano ang opinyon ng ibang tao. Okay ako eh. Ganda ko sa paningin ng asawa ko. I mean darating din tayo diyan.

“Kung papayat ka papayat ka. But it’s not an issue. Parang ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko ang dami kong na-prove sa sarili ko sa ibang tao. So okay na ako don. Bahala na kung ano ang sasabihin. Okay lang. Wala po akong pakialam,” diin pa niya.

In fairness, isa si Angel sa mga celebrities na talagang hinahangaan at nirerespeto sa mundo ng showbiz hindi lang dahil sa galing niya bilang aktres kundi bilang isang real-life Darna dahil sa kanyang humanitarian at charity work.

Noong 2019, nakasama siya sa listahan ng Forbes Asia bilang isa sa mga tinaguriang Heroes of Philanthropy.

Ikinasal si Angel kay Neil noong July, 2021 sa isang civil ceremony sa Taguig City.

https://bandera.inquirer.net/309465/angel-muling-pinatunayan-na-love-na-love-talaga-si-kris-personal-na-tsinek-ang-kundisyon-ng-bff

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306606/angel-locsin-pumalag-sa-netizen-na-nang-redtag-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/288713/angel-handa-nang-magka-baby-hindi-naman-basketball-team-mga-isa-o-dalawa-pwede-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending