Vice Ganda sumakay sa helicopter para di ma-late sa trabaho

Vice Ganda sumakay sa helicopter para di ma-late sa trabaho
DAMANG-DAMA ang pagka-busy ni Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa kanyang kaliwa’t kanang ganap sa kabila ng pandemya.

Sa kanyang latest vlog ay ipinakita nga ng komedyante ang kanyang pagsakay sa helicopter para makaabot siya sa event niya na gaganapin sa Tiaong, Quezon.

“After ‘Showtime’ live, didiretso tayo ng Quezon. Dahil ‘di tayo aabot, we have to find a way and the best way is to ride the helicopter. Let’s go!” saad ni Vice Ganda.

Aniya, mas maigi na ang mag-helicopter dahil aabutin ng ilang oras kapag bumiyahe sila by land.

“Going to Quezon, mga 20 minutes lang kasi kung magla-land tayo, mga three and a half hours. ‘Di tayo aabot,” pagpapatuloy ni Vice.

Matapos nga ang kanyang show sa Quezon ay muli na namang sumakay ang comedy superstar sa helicopter para umabot naman sa kanyang noontime show na “It’s Showtime”.

 


“Ito ang tinatawag na ratsada. Dire-diretso walang puknat na trabaho. Bawal ang inaantok. Showtime na! Putukan ng energy dito, walang puyat-puyat. Walang pagod-pagod, energy kung energy,” lahad ni Vice.

Matapos ang kanyang noontime show ay dumiretso naman siya sa Makati para sa isang caravan.

“So ayun, tapos na ang ganap. Pagod na pagod na ang katawang lupa natin. Kailangan na din natin magpahinga. Pagod na ako so we sleep then we work again tomorrow,” sey ni Vice.

May pahaging pa nga ang komedyante na magkakaroon naman siya ng collab kasama ang isang sikat na vlogger para sa kanyang YouTube channel.

Patuloy nga ang pagbuhos ng blessings para kay Vice Ganda dahil kung matatandaan, nagbigay na siya ng clue na may niluluto silang movie comeback at kuwento pa niya, nag-meeting na sila ng Star Cinema.

2019 pa nang huling bumida ang Unkabogable Star sa pelikula na entry rin sa Metro Manila Film Fest na pinamagatang “The Mall The Marrier”, kung saan nakasama niya ang kanyang showbiz sister na si Anne Curtis.

 

Related Chika:
Willie niregaluhan ng bagong helicopter ang sarili: Pero para rin yan sa pagtulong natin

Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang ‘It’s Showtime’

Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Read more...