NAGBABALIK ang MNL48 para ibida ang 7th single nilang “No Way Man,” isang dance-centric na kantang may mensahe ng lakas ng loob sa harap ng mga pagsubok.
Pinangungunahan ng center girl na si MNL48 Abby ang “No Way Man” kasama ang Senbatsu members na sina Sheki, Jamie, Ruth, Ella, Jan, Andi, Jem, Yzabel, Princess, Lara, Coleen, Rianna, Lyza, Dana, at Dian. Pinakahihintay na pagbabalik ng grupo ang awitin dahil na rin sa paghihigpit dala ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay MNL48 coach Angel, unforgettable ang kanta hindi lang dahi sa mahirap nitong choreography kundi dahil na rin sa pinagdaanan ng grupo habang naghahanda para rito.
“Isang taon kaming nag-train tapos nahirapan silang mag-catch up kasi online lang lahat. Ang dami nilang na-experience at ‘yung lyrics ng kanta talagang swak sa mga pinagdaanan namin.”
Pinuri naman ng center girl na si MNL48 Abby ang mga miyembro ng grupo at kanilang MNLoves sa pagbibigay-inspirasyon sa kanya.
“Nakita ko talaga na bawat member binigay ‘yung best nila para sa quality comeback. Nung una nagduda ako kung kaya ko ba pero lagi kong iniisip na meron akong good support system sa sisters, co-members, at sa MNL48 fans na laging naniniwala sa akin.”
Samantala, nagpapakita naman ng growth ng grupo ang “No Way Man” ayon sa rank 2 na si MNL48 Sheki. “Pinapakita sa single ‘yung talent namin sa ibang genre ng pagsasayaw pati na ‘yung vocals namin saka ‘yung character ng bawat member. Ang ganda ng meaning ng song, talagang nire-reflect ‘yung buhay namin as MNL48 idols.”
Napapanood na ang music video ng “No Way Man” sa MNL48 YouTube channel, na nagbibida sa mahusay na choreography sa rooftop at sa nakakabilib na sets. Sa ngayon, meron na itong 395,000 views. Huling nag-release ng single na “River” ang MNL48 noong 2020.
Dapat ding abangan ng fans ng MNL48 na MNLoves ang paglalabas ng music card na may mini photobook at handshake ticket sa mga sususnod na araw.
Para sa updates tungkol sa MNL48, sundan ang kanilang official Facebook (www.facebook.com/mnl48official), Twitter (@mnl48official), Instagram (@mnl48official), at YouTube (www.youtube.com/MNL48Official).
* * *
KASAMA ang aktor sa malaking project na binubuo ng kilalang direktor at producer ng malaking movie company pero dahil bumalik na naman ito sa kanyang dating bisyo ay na-cross out ang pangalan niya sa listahan ng cast.
Nanghihinayang ang kilalang direktor dahil nga bukod sa nagagalingan siya ay naging kaibigan na rin niya ang aktor at sumusunod naman daw sa kanya.
Pero ang producer ay maingat sa mga movie project niya at mahigpit niyang bilin na kapag magiging problema o may attitude ay huwag nang isama sa project dahil sayang ang oras at ang gastos.
Much better na kumuha na lang ng hindi gaanong sikat na nakaka-arte naman at kaya namang gampanan ang karakter na ibibigay sa kanya at higit sa lahat, mas mura pa.
“Pandemya pa rin ngayon kahit na nasa level 1 na kaya mega-tipid pa rin sa production cost lalo na sa mga talent fees lalo’t hindi pa bukas ang mga sinehan,” ito ang sabi ng taga-production.
Dagdag pa, “itong si (aktor) akala ng lahat okay na, kasi nangako naman na tapos heto na naman. Sayang talaga.”
Kami rin ay nanghihinayang sa aktor dahil bibihira ang katulad niya ang ilang beses nabibigyan ng chance na makabalik sa showbiz.
Related Chika:
MNL 48 top 7 ibabandera ang talento ng mga Pinoy sa Japan
Aly itinanghal na 2019 Center Girl ng Mnl48, Sheki nalaglag sa rank 4
MNL48 handang-handa na sa ‘Living The Dream’ concert