Pokwang sa bashers: Ilatag n'yo na lang ang plataporma ng iyong kandidato kesa manlait | Bandera

Pokwang sa bashers: Ilatag n’yo na lang ang plataporma ng iyong kandidato kesa manlait

Therese Arceo - April 07, 2022 - 05:50 PM

Pokwang sa bashers: Ilatag n'yo na lang ang plataporma ng iyong kandidato kesa manlait

PINAALALAHANAN ng Kapuso actress na si Pokwang ang mga netizens na mahilig manira at manlait sa social media.

Sa kanyang Instagram account ay inihayag niya ang kanyang babala sa mga netizens kalakip ng kanilang larawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo na tinawag niyang “my president”.

“Pakiusap kung lalaitin nyo lang sya at hahamakin sa comment nyo, sana ilatag nyo nalang at i-comment ang plataporma ng iyong kandidato, mga batas na naipasa nya na napapakinabangan natin ngayon, mga proyektong nagawa at gagawin palang,” panimula ni Pokwang.

Aniya, iwasan na raw at huwag puro panlalait ang gawin bagkus ibida naman daw ang mga nagawa ng kanilang mga sinusuportahang kandidato ngayong darating na eleksyon.

“Wag puro lait. Iangat nyo at ibida mo nalang kandidato mo kagaya ng ginagawa ko!” dagdag pa ni Pokwang na may mga hashtags na “#notobandwagon” at “#lenikiko2022”.

Labis rin niyang hinangaang si VP Leni dahil dinaig pa raw siya nito sa mga nalalaman sa kanilang lugar gayong 41 years na siyang residente sa Rizal.

“In fairness daig pa nya ako bilang taga Antipolo for 41 yrs mas marami pa syang alam na liblib na lugar dito na naabutan nya ng tulong. Alam mo talagang nag ta trabaho sya,” sey ni Pokwang.

Bukod pa rito, nagpasalamat rin ang Kapuso star sa lahat ng mga kakampinks na dumalo sa naganap na Leni-Kiko campaign sortie sa Rizal noong April 5 kung saan siya nag-volunteer bilang host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

“Maraming salamat sa 43k na Kapwa ko Rizaleños na sibuyas at di nagpatinag sa ulan kagabi April 5!!” sey ni Pokwang.

Halo halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging IG post ng actress-comedienne.

May ilan na nagpasalamat sa kanyang pagbibigay suporta at may ilan naman na naiimbyerna kay Pokwang dahil taliwas ang paniniwala nito sa kanilang paniniwala.

“Tama! Wag puros away. Tamang i-front ‘yung credentials, nagawa, ginagawa, at planong gagawin. Hindi puros talakang walang kwenta! Pilipinas ang focus hindi personalan,” comment ng isang netizen.

“Unfollowing right now,” saad ng isang BBM supporter na nireplyan lang ni Pokwang ng “bye bye”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending