Ice Seguerra naloka sa pagiging active ng ina sa socmed, nag-comment sa post tungkol sa ‘ex’
HINDI mapigilan ng singer-songwriter na si Ice Seguerra na maaliw sa kanyang ina matapos niyang makita ang pinagkakaabalahan nito.
Nahuli kasi niya ang ina na si Caridad Seguerra na sobrang active sa social media to the point na naging pala-comment na ito sa posts sa Facebook.
“Yung biglang nagmsg (nag-message) ang ex mo [ng] ‘mahal pa rin kita’, anong irereply mo?” saad sa FB post kung saan nag-comment ang ina ni Ice.
“Neknek mo sabay tawa,” comment naman ni Mommy Caring.
Sa katunayan, ibinahagi ni Ice ang screenshot ng Facebook post kung saan nag-comment ang ina sa kanyang Instagram account.
“Itong nanay ko, ang active mag comment. Haha!” saad ng singer-songwriter.
View this post on Instagram
Marami naman sa mga netizens ang naka-relate kay Ice dahil kahit ang mga magulang nila ay naging aktibo na rin sa social media gawa ng pagkabagot sa pandemya.
“Hahahaha. Nanay ko rin active mag-comment sa fb,” pagbabahagi ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Parang nanay ko, pinatulan lahat ng post.”
May mga netizens rin na nag-comment ng kanilang reply kung sakaling mag-message sa kanila ang kanilang “ex”.
“Naku sasabihin ko na ‘Che!!! Di na kita mahal”, kidding aside, depende siguro kung paano ang naging hiwalayan nyo noon,” sagot naman ng netizen.
Sey naman ng isa, “Manigas ka dyan. Ako nga pala ang sinayang mo.”
Ang ilan naman ay naaliw rin kay Nanay Caring gaya ni Ice at sinabing kahit na oldies na siya ay bentang-benta pa rin ang ka-cute-an nito.
Related Chika:
Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero…
Sharon niregaluhan ng bagong ‘baby’ si Ice Seguerra, nakatanggap din ng puppy mula sa netizen
Liza may hugot sa 9th ‘jowanniversary’ nila ni Ice: You personify what FOREVER means to me
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.