Ronnie Ricketts binalikan ang bonggang pasorpresa at wedding gift para kay Mariz | Bandera

Ronnie Ricketts binalikan ang bonggang pasorpresa at wedding gift para kay Mariz

Ervin Santiago |April 06,2022
facebook
share this

Ronnie Ricketts binalikan ang bonggang pasorpresa at wedding gift para kay Mariz

Ervin Santiago - April 06, 2022 - 03:01 PM

Mariz at Ronnie Ricketts

NAPA-THROWBACH ang action star na si Ronnie Ricketts nu’ng mismong araw ng kasal nila ni Mariz at kung paano niya sinorpresa nang bonggang-bongga ang kanyang asawa.

Kuwento ni Ronnie, bagong bahay ang iniregalo niya kay Mariz pagkatapos na pagkatapos ng kanilang wedding.

Inalala ng action star ang tagpong ito sa buhay nila ng kanyang misis nang mag-guest sila sa Kapuso morning show na “Mars Pa More” hosted by Iya Villania, Camille Prats at Kuya Kim Atienza.

Chika ni Ronnie, sa halip na dumiretso sila ni Mariz sa hotel para sa reception o honeymoon tulad ng ibang mga bagong kasal,  dinala niya ang kanyang bride kasama ang pamilya nito sa ipinagawa niyang bahay.

“Pagod na pagod kami. Sabi ko, Hon, hinihintay tayo nina mommy at dad sa bahay,'” kuwento ng aktor.

Nasa iisang village lang daw ang bahay ng kanyang parents at ang  ipinatayo niyang house bilang wedding gift niya kay Mariz.

“Ang nangyari, itinakas ko siya kasama yung family niya. Sabi namin konting kain lang, dinala ko dun diresto na sa bahay,” masayang pagbabalik-tanaw pa ni Ronnie.

Naiyak na lang daw si Mariz nang malaman ang pa-surprise ng asawa. Hindi pa man daw kasi nasasabi ni Ronnie na sa kanila na ang bahay na yun ay naging emosyonal na ang aktres dahil nakita niyang lumabas mula roon ang alaga niyang aso.

“Umiyak na siya, successful,” ayon pa kay Ronnie.

Sey naman ni Mariz, clueless siya sa ipinagawang bahay ng aktor kaya na-shock talaga siya nang makita ang kanilang love nest.

https://bandera.inquirer.net/304664/promise-ni-ronnie-wala-na-akong-ibang-hahanapin-pa-at-wala-akong-balak-pakawalan-si-loisa

https://bandera.inquirer.net/289139/jessica-pia-may-inamin-tungkol-sa-love-story-nina-mariz-at-raffy-kailan-balak-magka-baby

https://bandera.inquirer.net/306658/payo-nina-ronnie-at-loisa-sa-mga-gustong-mag-artista-go-lang-nang-go-sundin-ang-nasa-puso-nyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending