Troy ayaw nang buntisin si Aubrey, OK na sa 3 anak: We're happy na with everything now | Bandera

Troy ayaw nang buntisin si Aubrey, OK na sa 3 anak: We’re happy na with everything now

Ervin Santiago |April 06,2022
facebook
share this

Troy ayaw nang buntisin si Aubrey, OK na sa 3 anak: We’re happy na with everything now

Ervin Santiago - April 06, 2022 - 07:27 AM

Troy Montero, Aubrey Miles, Rocket Miller, Hunter Cody Miller at Maurice

KUNG siya ang masusunod, ayaw na ng aktor at negosyanteng si Troy Montero magkaroon sila ng bagong baby ni Aubrey Miles.

Diretsahang sinabi ng celebrity dad na hindi na niya gustong mabuntis uli ang kanyang fiancée dahil feeling niya medyo late na kapag nadagdagan pa ng isa tatlo nilang anak.

Natanong kasi si Troy Montero sa nakaraang episode ng Kapuso morning show na “Mars Pa More” kung handa ba siyang magkaroon pa ng isang baby.

Sinagot ito ng aktor sa patok na segment ng programa na “Tarantanong” kung saan si Aubrey mismo ang nagtanong sa kanya.

Sey ng aktres, “I have a question for you. This is only answerable by yes or no. Are we going to have another baby? Yes or No?”

“No,” mabilis na sagot ni Troy. Paliwanag niya sa mga hosts ng “Mars Pa More” na sina Camille Prats at Kim Atienza, “We’re happy na with everything now.

“We’ve already discussed na two boys, one girl, tapos na that’s it. So, we’re just going to enjoy it.

“I think for ‘yung family size na and even ‘yung age gap. And our age for us to parang… is it safe and everything. I think it’s better na we’re finished, happily finished,” katwiran ni Troy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Troy Montero (@troymontero)


Kamakailan lamang ay bumandera sa social media at talagang na-headline pa ang engagement nina Troy at Aubrey na naganap habang sila’y nakasakay sa kayak at nagpapakaligaya sa Boracay.

“So ang story, sa kayak nasa likod siya. Sabi niya, ‘I have something for you.’ Sabi ko, ‘Ano yon?’ Tapos may kinuha siyang box. Sabi ko ‘Ha?!’ ‘Sabi niya, ‘Look, look.’

“Tapos pagbukas niya sabi ko, ‘Oh my God it’s so big.’ Sabi niya, ‘Do you like it?’ ‘I like it.’ Ang tanong niya ‘Will you be my forever?’ Sabi ko, ‘Ay, thank you.’ Thank you ang una kong sinabi. ‘Oh ano?’ ‘Of course — yes!’” ang kilig na kilig na pagbabahagi ni Aubrey.

“Thank you ako nang thank you instead of yes! Ha-hahaha!” chika pa niya.

Dugtong pang sey ng aktres at celebrity mom, “Alam mo akala ko sabi ko, ‘It’s okay hindi naman importante ang proposal okay lang ‘yan,’ pero iba ang feeling pala. Hindi kasi ako kilig-kilig person.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May tatlo ng anak ang showbiz couple — sina Rocket Miller, Hunter Cody Miller at Maurice, na anak ni Aubrey sa dati niyang karelasyon na si JP Obligacion.

Aubrey, Troy 18 years nang magdyowa; nagbigay ng tips para tumibay ang relasyon

Aubrey Miles, Troy Montero titira sa Bora ng 1 buwan; gustong iparanas sa mga anak ang island life

Aubrey Miles halos mag-hello ang boobs sa pasabog na topless photo habang nasa bathtub

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending