P-pop group 1st.One pumirma na ng kontrata sa Warner Music; may alay para sa mga sundalong Pinoy | Bandera

P-pop group 1st.One pumirma na ng kontrata sa Warner Music; may alay para sa mga sundalong Pinoy

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 12:20 PM

1st.One

PUMIRMA ng deal ang Warner Music Philippines kasama ang 1st.One, ang six-member P-pop boy group na hinuhulaang gagawa ng ingay sa mundo ng musika ngayong taon.

Ang 1st.One ay kinabibilangan nina Ace, Alpha, J, Jayson, Joker at Max na talagang sumabak muna sa matinding training bago napabilang sa kanilang grupo.

Ang partnership na ito sa pagitan ng 1st.One at Warner Music ay matagal na nilang hinihintay kaya asahang sa mga susunod na buwan ay magiging maingay na rin ang kanilang pangalan at mga awitin na unti-unti na ngang sumisikat sa Pilipinas.

Ang 1st.One ay ang unang Pilipino group sa roster ng Seoul-based talent management company na FirstOne Entertainment.

Ang iba pang talents sa ilalim ng naturang kumpanya ay kinabibilangan ng “River of Tears” singer na si Na Yoon Kwon, ang rapper na si Kisum, at ang dating F-ve Dolls member na si Heo Chanmi.

Unang ipinakita ng 1st.One ang marka nito sa mundo ng P-pop bago pa man ang kanilang opisyal na debut noong 2020.

Lumahok sila sa 28th Philippine-Korea Cultural Exchange Festival noong September, 2019, kung saan nagwagi sila bilang first place sa dance category.

Sila rin ang grand winner sa Seoul Music Awards PH “Dance to Your Seoul” competition na ginanap din noong 2019.

Nag-opening number din ang banda sa Seoul Music Awards 2020, kasama ang Monsta X, NCT, Red Velvet, TWICE at iba pang K-POP artists at sila ang unang Pinoy artists na nakapag-perform sa pomosong Korean awards ceremony na ito.

Matapos ang maikling pamamahinga, nagbalik ang grupo earlier this year at nilabas nilan ang catchy single na “Shout Out”, na isang awitin na nagbibigay-pugay sa mga Filipinong sundalo who fought alongside Korean soldiers sa 1950s Korean War.

Ipinaliwanag ni Ace, ang leader ng 1st.One, na isinulat niya ang lyrics ng kanta dahil gusto nilang saluduhan ang mga sundalo na lumaban sa giyera upang mabuhay ang mga tao nang malaya.

Sa ngayon, halos 2 milyon na ang views sa YouTube ng opisyal na music video ng “Shout Out.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Warner Music Philippines (@warnermusicph)


Naglabas din ang 1st.One ng iba pang mga video clips upang suportahan ang single, at kasama na rito ang dance performance video ng “Shout Out” – na isang dance practice video, at isang two-part behind-the-scenes documentary na nagpapakita kung paano kinunan ng grupo ang kanilang music video sa gitna ng pandemic.

Tungkol naman sa pagpirma ng 1st.One’s sa Warner Music, ayon kay Ace, “We are very honored and deeply humbled to be now part of Warner Music. Together with our management FirstOne entertainment, everything is just like a dream turned into reality.

“As kids we only ever dreamt and heard of the name Warner Music. It is very inspiring to be part of history and a legendary family in the music and entertainment industry.

“We will always do our best, give our all and be students of the craft and passion that we have. Eyes to the sky and feet on the ground. Hopes and dreams in our hands thankful to God up above,” aniya pa.

Ayon naman kay Sarah Ismail, ang Managing Director ng Warner Music Philippines, “We are very excited to be partnering with 1st.One. Watching their music video for ‘Shout Out’, I was blown away by their energy and amazing dancing.

“They have thoroughly impressed us with their ambition and determination to not only succeed, but to inspire. Warner Music Philippines are proud to amplify their sound and pave the way for their dreams,” aniya pa.

Sabi naman ni Oh Jeong Min, Chairman ng FirstOne Entertainment, “Culture has power, P-pop will be one of the greatest way to introduce Philippines to the world. Warner Music Philippines and FirstOne Entertainment will take the first step today.”

Available ang “Shout Out” sa lahat ng mga major DSPs.

https://bandera.inquirer.net/306876/tv5-kumu-cornerstone-sanib-pwersa-para-sa-top-class-the-rise-to-p-pop-stardom

https://bandera.inquirer.net/306489/regine-ayaw-isuko-ang-pangarap-na-maging-boldstar-good-luck-na-lang-sa-inyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294350/janus-del-prado-biktima-ng-scam-may-warning-sa-madlang-pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending