Zephanie mas naging 'sexy' at 'edgy' ngayong nasa GMA na; handa ring sumabak sa aktingan, pero... | Bandera

Zephanie mas naging ‘sexy’ at ‘edgy’ ngayong nasa GMA na; handa ring sumabak sa aktingan, pero…

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 06:55 AM

Zephanie

BAGO ipinakilala bilang bagong Kapuso, sumabak muna si Idol Philippines champion Zephanie Dimaranan sa iba’t ibang training para mas mahasa pa ang mga angkin niyang talento.

Kaya naman handang-handa na  ngayon ang dating Kapamilya artist sa kanyang journey bilang pinakabagong talent ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA 7.

Nitong nagdaang Huwebes, March 31 ay opisyal na siyang ipinakilala bilang newest Kapuso star sa pamanagitan ng isang face-to-face presscon na ginanap sa B Hotel.

Pahayag ni Zephanie nang nakapanayam namin at ng iba pang miyembro ng entertainment press, “Sobrang mixed emotions po and very overwhelmed and of course I’m really grateful po sa opportunity na naibigay sa akin, this is really a blessing po and I’m really excited po sa mga tatahakin kong adventures with them.”

Ayon sa dalaga, hindi ito ang unang beses na mapapanood siya sa GMA 7 dahil minsan na rin siyang nakagawa ng teleserye sa network noong batang-bata pa siya.

“We thought it was a singing contest so I auditioned and it turned out po na teleserye pala siya na tungkol sa contest and mga sumasali sa mga contest na bata. Isa po ako sa mga napili doon na mga bata na kasama ng mga lead roles.

“Kaya ngayon po, nandito po ako muli sa GMA and as a Kapuso na official na talaga, sobra po akong masaya na makabalik,” pahayag pa ng dalaga.

Samantala, mas gusto munang mag-focus ngayon ni Zephanie sa pagkanta, pero kung mabibigyan ng chance, pwede rin daw niyang pasukin ang pag-aartista.

“Right now po singing is still my focus but right now po sa pagtapak ko sa bagong adventure na ‘to is kasabay din po ng mga bagong bagay na maita-try ko katulad nga ng acting and iba pa po,” sabi ni Zeph.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zephanie (@zephanie)


Napansin naman ng ilang members ng press ang bagong aura at image ni Zephanie na mas naging mukhang palaban, edgy and sexy.

“I don’t think it’s just about ‘yung paglipat ko sa GMA but personally since I just turned 19 this year, siguro po parte rin ng pag-edad ko din ‘yung changes ko sa image and sa kung paano ko po ipe-present ‘yung sarili ko,” paliwanag ng singer.

Ilan sa mga gustong maka-collab ni Zeph sa GMA ngayong Kapuso ba siya ay ang Asia’s Limitless Star na si Julia Anne San Jose, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at ang award-winning singer-actress na si Aicelle Santos.

Napanood na rin si Zeph kahapon sa weekly musical show ng GMA 7 na “All Out Sundays” kung saan muli niyang ipinamalas ang galing niya sa pagkanta at pagpe-perform para sa mga Kapuso viewers.

https://bandera.inquirer.net/297458/idol-ph-champion-handa-nang-sumabak-sa-akting-pangarap-makatrabaho-ang-gold-squad

https://bandera.inquirer.net/285052/idol-ph-zephanie-dimaranan-binago-ang-look-umaming-crush-sina-inigo-at-darren

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309639/idol-philippines-winner-zephanie-ganap-nang-kapuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending