Vivamax sexy star na si Rob Guinto enjoy na enjoy makipag-love scene sa kapwa babae: Ang saya, as in! | Bandera

Vivamax sexy star na si Rob Guinto enjoy na enjoy makipag-love scene sa kapwa babae: Ang saya, as in!

Ervin Santiago |April 03,2022
facebook
share this

Vivamax sexy star na si Rob Guinto enjoy na enjoy makipag-love scene sa kapwa babae: Ang saya, as in!

Ervin Santiago - April 03, 2022 - 06:47 AM

Rob Guinto at Angela Morena

View this post on Instagram

A post shared by Rob Guinto (@rblyngnt)

ENJOY na enjoy ang sexy star na si Rob Guinto sa mga pasabog na sex scenes nila ng palaban din sa paghuhubad na si Angela Morena sa pelikulang “X-Deal 2” ng Viva Films.

Ibinandera ni Rob sa nakaraang virtual mediacon ng latest project niyang “X-Deal 2” ang mga nakakalokang eksena nila ni Angela sa movie na idinirek ni Lawrence Fajardo.

Sey ni Rob, ito na ang pinakamatidi at pinaka-erotic na pelikulang nagawa niya sa Vivamax kung saan kasama rin nila ni Angela ang magaling na character actor at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Josef Elizalde.

“Ang love naman kasi walang pinipili yan, eh. Kapag once talaga na tumibok na talaga yan, whether babae yan or lalaki, as long as wala kayong tinatapakan na ibang tao, bakit hindi?” chika ni Rob patungkol sa tema ng kanilang pelikula.

Kumusta naman ang love scenes nila ni Angela sa pelikula? “Masaya! As in. Sinabi sa amin ni direk na very good. Ha-hahaha! Kung puwede lang na hindi kami mag-plaster, okay lang kaming dalawa ni Angela.

“Sobrang close kasi kami ni Angela, as in. So sabi ko kahit walang plaster go yan. E, kaso nga may ibang tao (sa set). Pero go pa rin naman kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rob Guinto (@rblyngnt)


“Ang sa amin kasi ni Angela before doing that, pinag-usapan talaga namin yun nu’ng time na mismong isu-shoot na. Sabi namin sige go with the flow na lang siguro kung ano yung mangyayari at kung ano yung kalalabasan.

“Hindi naman naging awkward kasi unang-una, bago pa namin gawin yung eksena, lalo na ni Josef at ni Angela, nag-usap muna kami and then hinayaan namin maging comfortable yung isa’t isa. Walang awkward na nangyari. Mas naging madali yung trabaho namin,” pahayag pa ng dalaga.

Puring-puri rin niya si Josef bilang leading man, “Very maalaga siya lalo na sa mga scenes. And once na may nahihirapan kaming mga eksena or lalo na sa batuhan ng lines, tinutulungan niya kami.

“Sobrang bait din ni direk Law (Fajardo). As in. Kapag once na nagkakamali kami talagang tinatama niya kami pagdating sa mga eksena. Talagang sobrang protective din ni direk,” aniya pa.

Feeling din ni Rob, hindi sila nagtatrabaho dahil sa ganda ng kanilang location, “Parang nasa bakasyon lang. Sobrang gaan. As in lahat, maging staff sobrang gaan mga katrabaho. Tropa, ganu’n. Marami kayong matututunan sa movie na ‘to.

“Bawat character may mga kanya-kanya talagang lesson na matututunan. Dito sa X-Deal 2 merong nagko-coach dito na tinuturuan kami para mas ma-improve pa yung mga ibang bagay na hindi pa namin nailalabas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

” Talagang nabigay namin kung ano yung ano yung dapat namin ibigay dito sa movie na ito. And siyempre maraming pasabog at nakaka-excite na eksena na nagawa namin and sobrang galing talaga ni direk Law,” chika ni Rob.

Ano naman ang natutunan niya sa kuwento ng “X-Deal 2”? “Huwag kang papasok sa isang bagay na alam mong makakasama. Kailangan mong pumili ng alam mong okay na walang maaapektuhan na ibang tao.

“Siguro yung dapat hindi ka basta basta pumapasok sa isang sitwasyon lalo na kung hindi ka sigurado. Kasi hindi mo alam kung ano yung mangyayari or kung ano yung kahihinatnan kapag yun yung pinili mong desisyon. Lalo na dun sa role ko,” lahad ni Rob.
Napapanood na ang “X-Deal 2” sa Vivamax.

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Josef Elizalde kinarir ang pagpapapayat; bidang-bida na sa pelikula after 14 years

2 palabang sexy star na bida sa ‘X Deal 2’ nagtulong sa paglalagay ng plaster sa kanilang ‘flower’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending