Chesca Garcia, Doug Kramer may balak pa nga bang sundan ang mga anak?
AMINADO ang aktres at vlogger na si Chesca Garcia na naging mahirap para sa kanila ang muling pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng proseso ng In Vitro Fertilization o IVP.
Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay”, ibinahagi niya na ilang beses na rin nilang sinubukan na sundan ang kanilang bunsong anak na si Gavin sa pamamagitan ng IVF pero hindi sila nagtagumpay.
“I think it’s very hard for women who are doing IVF and expecting because you have a two-week wait window. Doon sa two weeks na ‘yon, you are hoping that your period will not come. Kapag dumating siya ibig sabihin fail siya,” saad ni Chesca.
Aniya, mahirap ang prosesong ito lalo na sa mga kababaihan sa tuwing hindi ito nagiging successful dahil nakapag-invest na ang mga ito ng emosyon.
Dagdag pa ni Chesca, “My last one, my third one, I was really hoping that I was pregnant because I actually missed my period. But when I did the pregnancy (test) I was not pregnant.
“It’s a very hard journey for anyone who’s doing IVF simply because may wait period. Kapag nag-fail siya, may invested emotion ka na.”
Kahit nga ang mga anak nina Chesca at Dough ay apektado sa kanilang IVF journey.
“Also now that I have my three kids, they are also going through something, they also go through something kasi ‘yung expecting, ‘yung excitement and everything. Especially my last one, my son si Gavin, he didn’t want to hug and hold me because he said, ‘I thought I’m gonna be a kuya na.’ And I said, ‘Gavin, I also want to be pregnant, mommy also wants to be pregnant but you know it’s not for me to tell and you know let’s take this as a way to thank the Lord that He probably is protecting mama also.’ Tapos hinug niya ako tapos sabi niya, ‘Sorry mommy I was just really hoping to be a kuya,” pagbabahagi niya.
Maski nga si Regine Velasquez, isa sa mga hosts ng naturang morning show ay tila naka-relate sa pinagdaraanan ni Chesca.
View this post on Instagram
Noon kasi ay nasubukan rin ni Regine ang magbuntis sa pamamagitang ng IVF.
Nang tanungin naman siya kung may balak pa silang sumubok matapos ang three failed attempts upang muling magkaanak, inamin ni Chesca na ipinagdarasal niya ito sa Diyos.
“Alam mo, it’s actually what I’m praying for. Actually, the last failed one talagang sinabi ko, ‘Lord, if you don’t want us to have a baby anymore please remove the longing and the wanting of having a baby’ because I also want to be obedient to the Lord.”
Pagpapatuloy ni Chesca, “Because sometimes things don’t go as planned because He has a good reason for it. And I also want to be an obedient daughter and follower, di ba? But still, I still have that longing you know but for now I’m going to be setting it aside.”
Matatandaang sa kanilang YouTube vlog ay naging bukas silang pamilya ukol sa kanilang kagustuhan na magkaroon pang muli ng isang anak.
Ilang beses na rin nilang sinubukang gawin ito ngunit sa bawat pag-try nila ay hindi ito nagiging successful.
Sa ngayon ay may tatlong anak ang mag-asawang Chesca at Doug na sina Kendra, Scarlet, at Gavin.
Related Chika:
Chesca, Doug 4 na beses nang nabigo sa pagbuo ng baby sa pamamagitan ng IVF
Chesca sa mga mag-asawa: In marital relations, there is no such thing as luck
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.