#DedmaQueen: Kilalang komedyana nakalimutan na ang drama actress na tumulong sa kanya, walang utang na loob
“MAY bago na kasi siyang friends kaya hindi na nakaaalala, hindi mo na nga makausap, laging busy,” ang komento ng drama actress sa dating BFF ng komedyanang laging nasa gimikan.
Ang binabanggit na komedyana ay hindi masyadong pinapansin ng mga kasabayan niya noong bagong pasok siya sa showbiz at dahil likas na mabait si drama actress ay inalalayan niya ito at dahil wala namang gaanong project at kinakapos kaya tinulungan naman siya ng huli.
May ilang projects na ini-request ni drama actress ang komedyana na isama sa series niya at nangyari naman. In fairness nakaka-deliver naman ang huli kaya napapansin din ito ng mga bossing sa TV network na pinaglilingkuran nila.
Naging mabenta na ang magaling na komedyana at marami na rin siyang nakatrabaho na naging kaibigan niya at makikita rin sa social media na kung saan-saan na siya nakararating kasama ang mga bagong kaibigan na sikat na at may mga kaya sa buhay.
Dumikit na nang husto ang komedyana sa new found friends kasi nga maraming mga gimik bagay na ini-enjoy ng una kasi dahil ngayon lang niya ito naranasan.
Ang drama actress ay nagri-reach out sa kaibigan pero hindi na niya ito makausap dahil laging tulog at puyat at kung minsan naman ay nasa taping.
Nangako namang babalikan ng tawag ng komedyana ang drama actress pero hindi nangyari, “Hinayaan ko na lang. Basta kung maalala niya ako, nandito lang ako for her,” sambit ng drama actress.
Sabi namin, bakit ba kasi kailangan pa niyang tawagan, e, hindi na nga yata siya naaalala.
“Kasi tatanungin ko kung type niyang mag-out of the country, wala kasi akong makasama, e, busy pala siya, keri lang,” katwiran sa amin ng drama actress.
Bale ang mga kasama ngayon ng komedyanang aktres ay hindi kagrupo ng drama actress kaya hindi namin nakikita sa pictures.
* * *
Dadaan sa pinakamalaking pagsubok ang pagmamahalan nina Thyme (Bright Vachirawit) at Gorya (Tu Tontawan) dahil sukdulan na ang pagpapahirap sa kanila ng ina ng binata sa huling tatlong episode ng “F4 Thailand: Boys Over Flowers.” Hanggang saan ba nila kayang ipaglaban ang kanilang relasyon?
iWantTFC users sa Pilipinas ang unang makakapanood ng nalalapit na pagtatapos ng serye kada Sabado, 9:30 p.m.. Libre itong napapanood sa Pilipinas kasabay ng airing nito sa Thailand. Ipinapalabas din ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z kada Linggo ng 8:30 p.m..
Hindi pa tapos ang mga pagsubok nina Thyme at Gorya dahil desidido si Roselyn (Cindy Bishop), ang ina ni Thyme, na pahirapan ang dalawa at tuluyan na silang paghiwalayin. Gagawin ni Roselyn ang lahat upang patunayan na walang lugar ang isang katulad ni Gorya sa magarbong buhay ni Thyme.
Dahil sa masasamang balak ni Roselyn, mas lalong lalayo ang loob ni Thyme sa kanya. Pero hindi naman magpapatinag sina Thyme at Gorya dahil ipapamukha nila kay Roselyn na totoo ang kanilang pagmamahahalan at handa silang ipaglaban ito.
Madadamay din sa lumalaking gulo ang ibang mga miyembro ng F4 na sina Ren (Dew Jirawat), Kavin (Win Metawin), at MJ (Nani Hirunkit). Malalagay sa alanganin ang reputasyon ng F4 dahil sa mga pakulo nila upang protektahan sina Thyme at Gorya laban kay Roselyn.
Malagpasan kaya nina Thyme at Gorya ang sunod-sunod na hamon sa kanilang relasyon? Makakatulong kaya ang F4 kina Thyme at Gorya o mas lalong silang malalagay sa panganib?
Ang “F4 Thailand: Boys Over Flowers,” na laging pasok sa listahan ng Top 10 shows sa iWantTFC simula nang ipinalabas ito, ang isa sa mga Thai series na napapanood sa Pilipinas bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN sa Thai content company na GMMTV.
Mapapanood sa Pilipinas nang libre ang “F4 Thailand: Boys Over Flowers”” sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com) tuwing Sabado ng 9:30 p.m..
https://bandera.inquirer.net/300740/buntis-na-singer-actress-pinayuhang-huwag-nang-magpakasal-sa-tatay-ng-anak
https://bandera.inquirer.net/294007/andrea-epektib-na-kontrabida-pero-ako-yung-laging-nabu-bully-sa-school-tinatawag-nila-akong-higad
https://bandera.inquirer.net/285112/kilalang-aktor-tinanggihang-makasama-sa-pelikula-ang-magaling-na-komedyana
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.