Joy Belmonte humingi ng pasensya kay Ogie Diaz: Kung nagkamali ka, dapat ikaw ang unang umamin at mag-sorry
“NAGALIT ka sa akin nu’ng una?” bungad na tanong ni Ogie Diaz kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa one-on-one interview nito sa kanyang vlog na in-upload nitong Biyernes ng madaling araw.
“Ikaw ang galit sa akin?” tumawang sagot ni Mayora Joy.
“Ay ako ba ang galit sa ‘yo?” tumatawang reaksyon vlogger at talent manager.
Seroyong sabi ni Mayor Joy, “Galit ka sa akin kasi I think ‘yung time na nagsimula ‘yung pandemya. Di ba maraming galit akin, isa ka du’n?”
Napahalakhak na lang si Ogie sa pagkakadiin ng sagot ng kausap. At naalala niyang nagkita sila ni mayora sa premiere night ng isang pelikula.
“Nakita kita tapos sabi ko, ‘Ogie huwag ka nang magalit sa akin ha, bati na tayo,” kuwento ng alkalde.
“Tingnan mo nakalimutan mong mayor ka. Normally kasi mga ganyang mayor hindi, sila ‘yung lalapitan mo. Pero ikaw nakalimutan mong mayor ka kaya sabi ko, ‘oh my God, si mayor Joy ang lumapit sa akin,’” papuri ni Ogie sa kausap.
Katwiran ni Mayor Joy, “E, wala namang ganu’n kasi ikaw ay constituent ko hindi ka naging masaya sa paglilingkod ko, sorry di ba? Ako ‘yung magso-sorry sa ‘yo. Natuwa naman ako kasi sabi mo, ‘o, sige kalimutan na natin.’”
Para kay Ogie ay mas natuwa siya dahil si Mayor Joy mismo ang nagri-reach out. Inamin din ng mayora na kapag may mga constituents siyang may mga reklamo ay kaagad niya itong hinaharap.
Nakikinig daw talaga siya, “That’s one of my traits. Magaling akong makinig. Participative ‘yung style of governance ko. So, kailangan ‘yung agenda natin, ‘yung ginagawa natin ay nanggagaling sa tao. So, hindi dapat tayo ‘yung nagdidikta sa tao kasi hindi naman natin alam kung ano ‘yung karanasan nila at ‘yung mga pangangailangan nila, so, sila dapat ang magsasabi.”
Hindi rin pala uso kay mayora ang middle man dahil siya mismo ang dumidiretsong makipag-usap sa lahat ng sector, “Kung meron ako sigurong sa tingin ko nasaktan, ako na mismo ‘yung tatawag.”
Isa pang dapat matutunan ng ibang government officials kay Mayor Joy ay, “Tingin ko isa sa mga pinakakailangan na trait ng bawa’t leader ay ‘yung kababaan ng loob. ‘Yung willing ka talagang tanggapin ‘yung mga pagkukulang mo, o kaya kung nagkamali ka, dapat ikaw ang unang umamin tapos ikaw ‘yung hihingi ng sorry sa tao.
“Akala natin kapag nasa posisyon, mataas, hindi naabot, hindi nakakausap, kailangan lagi silang tama tingin ko mali ‘yun. Old fashioned na ‘yun, traditional na ‘yun. So sa more progressive style of leadership servant leader ka, dapat ‘yung mga tao lagi silang pinakikinggan.”
Inamin din ni Mayor Joy na sinadya niyang ilayo ang pagkakakilanlan niya sa magulang niyang dating Speaker at mayor ng Quezon City na si Sonny Belmonte at journalist na si Gng. Betty Go-Belmonte.
“Yeah, sinadya ko ‘yan kasi maraming mga politician na parang ginagaya lang nila o mini-mimic ‘yung ginawa ng kanilang ninuno, ng tatay nila o nauna nilang kapatid, uncle o lolo.
“Para sa akin napakahalaga ng meron akong sariling identity o style, advocacies, na iba do’n sa tatay ko kasi iba rin ‘yung generation namin, iba rin ‘yung gender namin. Iba rin naman ‘yung style ng lalaki sa style ng babae. Iba rin ‘yung mahalaga sa lalaki, iba rin ‘yung mahalaga sa babae,” paliwanag niyang mabuti.
Ang ilan sa mga namana niya sa kanyang tatay ay ang pagiging workaholic at sense of fairness.
“Sabi niya, ‘alam mo pareho lang ang mayaman at mahirap. Lahat ‘yan nasasakupan mo, lahat ‘yan pinaglilingkuran mo nang pantay-pantay. Nakikinig ka, lagi kang nagkakaroon ng konstultasyon sa tao,” kuwento ni Mayor Joy.
Inamin niyang nasaktan siya nang todo noong 2022 nang mabatikos dahil sa pandemy. Walong buwan pa lang siyang nakaupo bilang alkalde ng QC ang magkaroon ng COVID-19 pandemic pero naging aral ito sa kanya at inamin niyang may pagkukulang siya.
“May mga taong they don’t mean to be mean but that’s the way they express themselves. So, let me try to reflect on my shortcomings,” saad ni Mayora.
Samantala, pinasalamatan ni Ogie si Mayor Joy dahil ang ilang empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil hindi na-renew ang prangkisa ay kinuha niyang staff ngayon sa City Hall.
“Well, una kasi dinamdam ko ‘yung pagkakasara ng ABS-CBN because ABS-CBN is in Quezon City. I knew many people we’re not giving statement of support and I gave a statement of support because ABS (CBN) pays their taxes well.
“Malaki ang naitutulong ng buwis na nagmumula sa ABS-CBN sa mga mamayan ng lungsod namin.
“Marami sa mga empleyado ng ABS-CBN taga Quezon City at sila ay breadwinner’s ng mga pamilya nila and I felt really bad about that, actually.
“But then I noticed also a lot of very talented people from the network had no jobs. And you’re in the city na hinahangaan naman ng isang government institution katulad ng Quezon City at iba pang government agencies ay kulang naman ‘yung impormasyon or ‘yung pagkonekta nila sa taumbayan.
“So, I thought it would be nice to get some of the employees from ABS (CBN) kasi eksperto na sila sa commnucations at puwede nila akong tulungan na maipahiwatig sa taumbayan kung ano ‘yung ginagawa ng lungsod para sa kanila.
“And incidentally, I also told myself siguro nga isang dahilan kung bakit ako binatikos nu’ng simula, e, hindi alam ng taumbayan kung ano ‘yung ginagawa natin para sa kanila.
“So, it was a weakness also of our local government in informing the people. So, ever since ABS-CBN family came on board some of them gumanda ‘yung communications ng lungsod. Because of the expertise na ibinigay sa atin ng taga-Kapamilya,” mahabang kuwento ni mayora.
https://bandera.inquirer.net/283523/kiray-naiyak-nang-makaharap-ang-delivery-rider-inabutan-ng-ayuda
https://bandera.inquirer.net/284384/vice-nganga-sa-leading-lady-ni-ion-omg-mas-maganda-ka-sa-akin-in-person
https://bandera.inquirer.net/285592/hindi-ako-nagjojowa-ng-pangit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.