Bianca nagdyi-jeep, tricycle, MRT kapag may shooting dahil kulang ang pera: Saka yung mga damit ko galing palengke | Bandera

Bianca nagdyi-jeep, tricycle, MRT kapag may shooting dahil kulang ang pera: Saka yung mga damit ko galing palengke

Ervin Santiago - March 27, 2022 - 08:26 AM

Bianca Umali at Mama Vicky

Bianca Umali at Mama Vicky

NARANASAN din ng Kapuso actress at singer na si Bianca Umali ang mag-commute patungong taping noong nagsisimula pa lamang siya bilang child actress.

Inalala ng dalaga pati na ng kanyang pinakamamahal na lola ang pagsakay-sakay nila sa pampasaherong jeep, MRT at tricycle kapag merong trabaho.

Isa si Bianca sa 11 apo na pinalaki at inalagaan ng paternal grandmother niyang si Mama Vicky kaya naman hindi na kataka-taka na maging “lola’s girl” siya hanggang sa kanyang pagdadalaga.

Naikuwento ng lead star ng Kapuso primetime series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss” ang tungkol sa naging buhay niya noong pumanaw na ang kanyang mga magulang sa bago niyang vlog.

Sabi ni Bianca, five years old pa lamang siya noong mamaalam ang nanay niya matapos makipaglaban sa breast cancer habang pumanaw naman ang tatay niya sa heart attack limang taon matapos silang iwan ng ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Sa nasabing vlog, nabanggit nga ni Mama Vicky na 11 sa kanyang mga apo ang solo niyang itinaguyod kaya naman bilib na bilib talaga sa kanya si Bianca.

“Actually, I didn’t have a hard time because they are all good girls, saka because I love them,” pahayag ni Mama Vicky sa video.

Kasunod nito, binalikan nga niya ang mga pagsubok na pinagdaanan nila noong nagsisimula pa lang si Bianca sa showbiz.

“‘Yung kasama kitang hinahatid doon, nagsisimula ka pa lang sa GMA. Sumasakay tayo sa ano ‘yun? MRT? Nagdyi-jeep kami para lang makapunta sa GMA kasi mayroon siyang taping sa (Tropang) Potchi,” pag-alala ng maituturing na super lola.

Ito ang dahilan kung bakit abot-langit ang pagmamahal at pasasalamat ni Bianca sa kanyang lola.

“That’s how everything started for me also sa industry. Actually, natutuwa din ako how my lola supported me kasi despite her age, knowing kung gaano na kahirap para sa kanya ang mag-commute noon, sinsamahan niya ko from here going to GMA.

“Wala pa kaming kotse. Wala pa kaming pera actually noon,” kuwento ng dalaga.

“Ang mahal-mahal na para sa amin dati ‘yung mag-taxi. Ang dami naming bitbit tapos kaming dalawa lang ‘yung magkasama,” dagdag pang chika ni Bianca.

Isa sa talaga sa mga eksenang nagmarka kay Bianca noon ay ang paghahanap ni Mama Vicky ng clothing sponsor para sa kanya.

“I remember, pumunta tayo ng mall and then pumasok tayo isa-isa. Do you remember this? Dinala mo ako, pumasok tayo isa-isa sa mga store.

“Nagtatanong tayo ng number noong mga manager na kokontakin. Tinatanong mo kung puwede nila akong sponsoran,” natatawa pang chika ni Bianca.

Patuloy na pagbabalik-tanaw ng Kapuso at Sparkle star, “Kasi naalala ko sa mga taping namin, ako lang ‘yung walang sponsor. Lahat sila, kapag bubuksan nila ‘yung mga maleta nila, naka-plastic ‘yung mga damit nila.

“May mga accesories na sila. Pero tayo, ‘yung mga damit natin dati, galing palengke. Siguro dalawa lang or tatlo ‘yung sapatos ko noon, pero sila lahat iba-iba ‘yung kulay,” aniya pa.

Mensahe naman niya kay Mama Vicky, “I want to say thank you, Ma. Kung hindi rin dahil sa tiyaga mo sa akin, I don’t think I would be where I am now.”

Napapanood si Bianca gabi-gabi sa Kapuso romantic comedy series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss”, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

https://bandera.inquirer.net/291028/bianca-umali-nagpabakuna-para-sa-kapakanan-ng-pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/307873/bianca-na-challenge-sa-pagpapatawa-sa-mano-po-legacy-ibang-animal-din-ang-comedy-ang-hirap
https://bandera.inquirer.net/289742/bianca-umali-payag-maging-isa-sa-legal-wife-ng-muslim-kung-worth-it-naman-po-bakit-hindi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending