Bilyonaryong kandidato problemado sa pondo | Bandera

Bilyonaryong kandidato problemado sa pondo

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
March 24, 2022 - 06:32 PM

bilyonaryong kandidato

Nagbawas ng maraming staff ang isang sikat na kandidato sa isang national position dahil mahina ang pasok ng pondo sa kanilang kampanya.

Sinabi ng akonh cricket na hindi tinupad ng ilang mga benefactor ang kanilang pangakong tulong sa ating bida.

At dahil masyadong mataas ang kanilang gastos sa mga sorties ay nagbawas ito ng mga alalay lalo na sa mga provincial headquarters.

Kung dati ay sagot rin ng grupo ni Mr. Politician ang air fare at hotel accomodations ng mga media men na nagko-cover sa kanyang kampanya ngayon ay kanya-kanya na.

Ito rin ang dahilan kung bakit sa FB live na lang nagko-cover ang ilang media team dahil syempre nagtitipid rin sa pondo ang mga media companies.

Isa sa nakikitang dahilan ng aking cricket kung bakit hindi tinupad ng mga supporter ni Sir ang pagbibigay ng ipinangako nilang pondo ay dahil sa mababang ratings sa mga survey ng ating bida.

Malayong-malayo ito sa kanilang inaasahang resulta dahil sa totoo lang ay malakas ang appeal sa publiko ni Mr. Politician na nakilala dahil sa kanyang pagsisikap sa buhay.

Marami tuloy ang nagsasabi na dapat ay nakuntento na lamang siya sa kasalukuyan niyang posisyon na mataas rin naman at tiyak na siya’y walang katalo-talo.

Kailangan nyo pa ba ng clue?….Basta sikat ito. Marunong kumanta, magbasketball at umarte sa harap ng camera lalo na kapag suntukan ang eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending