Sanggol na ibinenta ng inang nabaon sa utang, nasagip ng NBI | Bandera

Sanggol na ibinenta ng inang nabaon sa utang, nasagip ng NBI

Therese Arceo - March 23, 2022 - 12:14 PM

Sanggol na ibinenta ng inang nabaon sa utang, nasagip ng NBI

NAILIGTAS ng NBI Anti-Human Trafficking Division ang naibentang sanggol sa Sta. Cruz, Laguna nitong Martes, March 22.

Kasabay nito ay dinakip na rin ng mga otoridad si Imelda Malibiran at ang Nigerian husband nitong si Maxwell Bright na siyang bumili sa sanggol mula sa pinagbentahan ni Danica sa Quezon City noong March 3.

Kwento ni Danica, ibinenta niya ang kanyang siyam na buwan na babaeng anak sa halagang P45,000 dahil sa kanyang pagkakabaon sa utang.

Base naman sa naging interview ni Danica sa Pasig News Today noong March 10, inamin niya na nakausap niya noong March 1 ang taong bumili sa kanyang anak sa “Bahay Ampunan”, isang private Facebook group.

“Nagkausap po kami sa online, sa group ng Bahay Ampunan. Nag-comment po siya (sa post( tapos nag-PM (private message) sa akin. Nag-offer po siya ng P20,000 po tapos meron pa po akong ibang kausap,” saad ni Danica.

“Sinabi ko rin po sa kanya na may kausap akong iba (na bibili ng anak ko), may nag-o-offer pa po ng mas malaki. Sabi niya, ‘Sige, P40,000 fixed.’

“Sabi ko sa kanya, kung pwede P50,000. Sabi niya, hanggang P45,000 lang.

“Sabi niya rin po sa akin, gagawin niya din daw na illegal ‘yung adoption kasi may papipirmahan din siya sa akin,” pagpapatuloy niya.

Pagkukwento naman ng mister ni Danica, may bagong cellphone daw ito nang umuwi sa kanilang bahay noong March 3 at sinabing iniwan daw muna ang sanggol sa kanyang nanay sa Makati ngunit ‘yun pala ay ibinenta na niya ang bata.

Sa ngayon ay pinaghahahanap na rin ng NBI ang middleman na nakatransaksyon ni Danica sa pagbebenta ng kanyang sanggol na anak.

Other Stories:
Enchong Dee kusang sumuko sa NBI para sa P1-B cyberlibel case
Annabelle Rama tinuluyan ng NBI, kinasuhan ng cyber libel dahil sa socmed post laban kay Jayke Joson

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending