Tony Labrusca cleared na sa kasong ‘acts of lasciviousness’
KANINANG tanghali ay nag-post ang legal counsel ng aktor na si Tony Labrusca, Angel Jones Labrusca Jr. sa tunay na buhay ng resolution para sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa sa kanya noong Hunyo 4, 2021 sa Office of the City Prosecutor sa Makati City.
Hindi pinangalanan ang female friend ng negosyanteng si Drake Justin Ibay na umano’y hinipuan daw ni Tony nu’ng gabing dumalo sila ng party sa bahay ng una noong Enero 16, 2021.
Kinuwestiyon ng abogado ni Tony na si Atty. Joji Alonso kung bakit lumipas ang limang buwan bago nagsampa ng kaso ang female friend na umano’y hinipuan ng aktor.
Base sa dalawang resolution na pinost ni Atty. Joji sa kanyang Facebook account ay may petsang December 22, 2021 at March 17, 2022 ay ang mismong korte na ang nag-withdraw ng kasong acts of lasciviousness mula sa court’s docket na ibig sabihin ay tinatanggal na ang kasong ito sa mga listahan for trial.
Ang caption ni Atty. Joji sa dalawang dokumento.
“In a Resolution dated March 17, 2022 penned by Judge Xavier Paolo Del Castillo, Makati City Prosecutor Dindo Venturanza’s Motion to Withdraw Information filed in the case of our client Tony Labrusca, was granted.
“The court affirmed the findings that there was no probable cause for the complaint of act of lasciviousness. The charge imputed against him was found to have no basis.
After observance of due process, Tony Labrusca has been cleared of profoundly damaging judgments that has tarnished his name.
“This vindication attests to how gravely he was falsely accused. We laud the justice system for ensuring a resolution in the most expeditious manner.
Carbon copy:
Atty Joji Alonso
Atty Tope Liquigan
Atty Angela Antonio
Colmenares Mario Christoffer Allan Liquigan Angela Antonio
Sa kasalukuyan ay wala pang komento si Tony tungkol dito at bukas naman ang BANDERA sa panig ng female friend ni Drake Justin Ibay tungkol sa isyung ito.
View this post on Instagram
* * *
Tuloy na tuloy na ang pagpapa-annul ni Jill (Jodi Sta. Maria) ng kasal nila ng asawang si David (Zanjoe Marudo) sa “The Broken Marriage Vow,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Kinonsulta na ni Jill ang kanyang abogado para siguraduhing hindi papalpak ang pakikipaghiwalay niya kay David. Gusto ring manigurado ni Jill na mapupunta sa anak niyang si Gio (Zaijian Jaranilla) ang kanyang pera at walang maaangkin si David ni isang kusing.
Pero mukhang hindi magiging madali ang pagpapa-annul ni Jill. Pinapahirapan kasi ni David si Jill at nagmamatigas siyang siya dapat ang masusunod pag dating sa relasyon niya kay Gio.
Samantala, labis naman ang pagseselos ng kabit ni David na si Lexy (Sue Ramirez). Napa-praning si Lexy dahil pakiramdam niyang ayaw pa rin bitawan ni David ang relasyon nito kay Jill. Dahil dito, nagdadalawang-isip si Lexy kung tama nga bang tinalikuran niya ang kanyang mga magulang para kay David.
Magkasundo kaya sina Jill at David para kay Gio? Paano makakaapekto ang pagseselos ni Lexy sa relasyon niya kay David?
Bukod sa iWantTFC at Viu, nasusubaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “The Broken Marriage Vow.”
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
Related Chika:
Tony Labrusca nagpiyansa para sa ‘acts of lasciviousness’ case; complainant umalma
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.