Resbak ni Kim Chiu sa nagsabing ‘OA ka na’: Wag ka nga! Basag trip ka!
NAIMBYERNA ang Kapamilya star na si Kim Chiu sa comment ng isang netizen patungkol sa kanyang reaksyon nang mapansin siya ni Yuna, isa sa miyembro ng KPop Girl Group na ITZY.
Noong nakaraang araw nga ay labis ang saya ng TV host-actress dahil napansin siya ng isa sa mga miyembro ng Korean group na hinahangaan na naisulat na rin namin kahapon.
Maging ang kanyang fangirling moments ay umabot sa noontime show nilang “It’s Showtime” kung saan binatipa siya ng kanyang mga co-hosts.
“LIKE OMG!!!!!! I didn’t belive at first then I checked ITZY official TikTok account… Like OMG!!!! I cannot breathe??? Nahimatay ako ng 5 seconds,” saad ni Kim.
“YUNA saw my dance!!?? Can someone pinch me now na? Medyo OA pero legit nga!!! #TikTokDuet sirg ITZY Yuna realness!!!!! #midzy here thank you!!! Made my night!” dagdag pa niya.
Marami naman ang super happy para kay Kim pero kapansin-pansin ang comment ng isang netizen.
Aniya, “Stop over reacting, you are making yourself inferior to her. I wonder if she would react the same way if you use her video.”
Reply naman ni Kim, “Wag ka nga! Basag trip ka eh! Saya na eh!”
View this post on Instagram
Marami naman ang nagtanggol sa aktres at kinontra ang comment ng netizen.
“Tagos sa puso yung inggit? na notice lang si kimmy napaka laking abala na sa buhay mo e pikit mo nalang kong di mo talaga keri HAHAHA nakakahiya ka teh,” comment ng isa.
Hirit pa ng isa, “pag inggit pikit. La magawa, busy manira ng trip?”
Muli naman sumagot ang netizen na nagsabing “over reacting” si Kim at nilinaw ang kanyang komento.
“Not basagan ng trip Kim. You are a celebrity, equally famous, equally talented and a lot prettier than her. The way you are over reacting, you are making yourself or other Filipino celebrities inferior to Korean celebrities. Hope you got my point. I don t mean to “basag your trip” I’m just voicing out my reaction. Now, if you misunderstand it, not a problem but please wag i spoil yang mga Korean na yan. Lumalaki ang mga ulo. Super maka puri at maka react pero pag kayo, parang wala lang. Yong mga Pilipino na cast kahit papano doon binabato ng repolyo,” sey ng netizen.
May point naman ang netizen kung iintindihin mabuti ang kanyang comment.
Marami na rin kasing mga balita na may mga Koreano talaga na hindi maganda ang turing sa mga mangagawang Pilipino sa kanilang bansa gaya na lamang nga ng ikinuwento ng Pilipino na naging cast noon ng Netflix series na “Squid Game”.
Related Chika:
Kim shookt nang mapansin ni Yuna ng K-pop group na ITZY: Like OMG! I cannot breathe!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.