I-Pop Girl Group Calista ibabandera ang galing sa kanilang 'Vax to Normal' concert | Bandera

I-Pop Girl Group Calista ibabandera ang galing sa kanilang ‘Vax to Normal’ concert

Reggee Bonoan - March 11, 2022 - 02:00 PM

Calista ibabandera ang galing sa kanilang 'Vax to Normal' concert

ANG tarush ng bagong all female group na Calista dahil ang tawag sa kanila ay I-Pop Girl Group kaysa sa P-Pop Girl. Ang ibig sabihin kasi ng I-Pop ay pang international sila at ito ang pangarap nila na sinang-ayunan naman ng entertainment media na dumalo sa kanilang grand launch kasabay ng music video ng single nilang Race Car na sinulat at produced ng American singer na si Marcus Davis.

Si Marcus ang nag-compose ng awiting Filipina Girl na kinanta nila nina Billy Crawford at James Reid na kulang 23 million views sa YouTube.

Malaking bahagi ng singing career ni Billy si Marcus dahil ginawan siya nito ng mga kanta at tinulungan pa.

Going back to Calista ay nagpakitang gilas sila sa bonggang grand launching na ginanap sa Novotel, Araneta Quezon City nitong Martes, Marso 8 na ibinigay nila ang kanilang best at puwede nga talagang makipagsabayan sa mga sumisikat na P-Pop Girl group.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CALISTA (@calistamusicofficial)

Ang mga miyembro ng Calista ay sina:

Anne Tenorio ay nakilala bilang contestant sa Tawag ng Tanghalan noong Marso, 2019 kung saan kinanta niya ang “Scared to Be Lonely”, lumabas din sa “Happy Time” noong 2020, nakapag labas ng dalawang single na “Pinapangarap Mo” at “Bebe Ko” na nag number 2 sa LSFM at nakapag cameo role sa pelikulang “Walwal” (2018) at “Papa Pogi” (2019) produced ng Regal Films.

Olive May Sophia na kilala bilang Tiktoker na may 1.2M at 17.5K sa Instagram followers. Tinanghal na Ms Teen Cebu 2019. At dahil pangarap talaga niyang makilala ay iba’t ibang workshops ang sinalihan tulad sa GMA Acting and Singing, G-Force para sa pagsasayaw at modelling under kay Miss Di at Darkworld Modelling agency.

Denise Pello na naging 6th place sa Open Division in Revolution Inrernatonal Dance Championship 2019 sa Melbourne, Australia at scholar ng Dance Avenue Studio at miyembro ng Outside Dance Group.

Dain or Dainiel Leones tinanghal na 2nd runner-up bilang Ms Teen Dasmarinas, Cavite 2016, Miss Photogenic 2016 at 1st runner-up sa Miss Southern Luzon College kung saan siya nag-aral ng Tourism.

Laiza Comia is a familiar face dahil dati siyang Star Magic talent at napasama sa mga TV show na “On The Wings of Love”, “Ipaglaban Mo”, “Maalaala Mo Kaya” at 2012 movie “Corazon: Ang Unang Aswang”.

At si Elle Pascual na mahilig ding sumali sa beauty contest at tinanghal na Best Actress noong High School sa Navoteno Film Festival sa pelikulang “Iris” na isang journalist na may kinalaman sa national treasure ng bayan nila.

Kaya Calista ang tawag sa grupo ay Call It A Star.

Anyway, matindi ang pinagdaanan nilang training para mabuo ang Calista.

“Mayroon po kaming dance and voice training workshop, body conditioning para mapatibay an gaming body and health, PR workshop at personality development may mga diet din po kami,” sabi ni Denise.

Sobrang intense raw ang training nila sa pagsasayaw at pagkanta araw-araw kaya aminadong sobrang hirap ang dinadaanan nila.

Sina Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Joshua Garcia at Enrique Gil ang celebrity crushes ng anim na girls at ang idolo nilang K-Pop Group ay ang Blackpink, Itzy, Kaiz, TWICE, at ang BTS.

Limang taon ang kontrata ng Calista sa producer nila at umaasa naman ang manager nilang si Tyronne Escalante na within that year ay makikilala na ng husto ang grupo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, abangan ang “Vax to Normal” concert ng Calista sa Smart Araneta Coliseum sa April 26 sa ganap na 8PM at ang mga guest nila ay sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Andrea Brillantes, Darren Espanto, Ken San Juan at Elmo Magalona na produced ng Merlion Events Production, Inc, stage director Nico Faustino, musical director Soc Mina at ang dance icon na si Nesh Janiola bilang choreographer.

 

Related Chika:
BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!
TV5, Kumu, Cornerstone sanib-pwersa para sa ‘Top Class: The Rise to P-Pop Stardom’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending