Heaven, Kimpoy nag-trending uli sa socmed, mag-dyowa na kaya? | Bandera

Heaven, Kimpoy nag-trending uli sa socmed, mag-dyowa na kaya?

Therese Arceo - March 08, 2022 - 11:59 PM

Heaven, Kimpoy nag-trending uli sa socmed, mag-dyowa na kaya?
NAGING usap-usapang na naman ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo at kaibigan nitong vlogger na si Kimpoy Feliciano sa social media.

Nag-post kasi ang binata ng larawan kasama ang dalaga ng kanilang selfie na kuha sa loob ng sasakyan.

“Ikaw lang talaga.. Ang puso ko sana ay tanggapin mo,” saad ni Kimpoy sa kanyang caption na may kasamang petsa na “03.07.22”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kimpoy Feliciano (@kimpoyfeliciano)

 

Marami tuloy ang naghimala kung nag-level up na nga ba ang kanilang friendship to serious relationship for real.

Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay madalas na ma-issue sina Heaven at Kimpoy kung ano nga ba talaga ang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa.

Kaya naman iba iba rin ang naging reaksyon ng madlang pipol sa naturang post.

“HAHAHAHAH sabi na e magiging kayo din. May pa-friends friends pa kayo jan,” saad ng isang netizen.

Pero matapos ang halos isang oras ay nag-post muli ang binata ng teaser video kung saan magkasama silang dalawa.

Parte pala si Heaven ng music video ng kanta ng binata at tila parte ang naturang selfie post ng kanyang promotion para sa kantang “Ilusyon”.

“Friends pa rin kami, Hanny. Kalma ka lang,” paglilinaw ni Kimpoy sa isang comment ng netizen ukol sa estado ng kanilang relasyon.

So ayan, nasagot na ang tanong. Wala pa ring dyowaan na nagaganap at nananatiling good friends pa rin ang turing nila sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base rin sa naging pahayag ni Heaven noon sa isang interview ay mas magpo-focus muna si Heaven na mahalin ang kanyang sarili lalo na at hindi rin naging maganda ang naging epekto ng huli niyang relasyon sa kanya lalo na at katakot takot na pambabatikos rin ang inabot ng dalaga.

Related Chika:
Kimpoy ipinagtanggol si Heaven: Kilalanin n’yo muna ‘yung tao on a personal level
Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending