Bakit wala ang 3 miyembro ng Gold Squad na sina Andrea, Kyle at Seth sa debut party ni Francine? | Bandera

Bakit wala ang 3 miyembro ng Gold Squad na sina Andrea, Kyle at Seth sa debut party ni Francine?

Ervin Santiago |February 28,2022
facebook
share this

Bakit wala ang 3 miyembro ng Gold Squad na sina Andrea, Kyle at Seth sa debut party ni Francine?

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 05:19 PM

Francine Diaz, Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz sa lahat ng nakaalala at dumalo sa kanyang 18th birthday party last Feb. 26, 2022.

Isang buwan ang naging selebrasyon ng dalaga para sa kanyang 18th birthday (Jan. 27) na natapos nga sa pamamagitan ng isang grand debut party na dinaluhan ng pamilya ng young actress at malalapit na kaibigan.

Pero ang twist sa kuwentong ito, wala raw sa debut celebration ni Francine ang mga kasamahan niya sa The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at ang dati niyang ka-loveteam na si Kyle Echarri.

Ang ilan sa mga friends ni Francine sa showbiz na naging bahagi nga ng kanyang debut parry ay sina Jayda Avanzado, Alyanna Angeles, Renshi de Guzman, Angela Ken, Angelica Lao, Margaux Montana, Raven Rigor, Analain Salvador at Ashton Salvador.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa official Star Magic YouTube channel, nagbigay ng message ang Kapamilya youngstar sa mga loya fans niya.

“Gusto ko po magpasalamat sa lahat po ng sumusuporta po sa akin. Actually, nu’ng mismong birthday ko, ano’ng oras kasi ako nakatulog so medyo late na din. Siguro magti-3 a.m.. Hindi na rin talaga ako makatulog,” simulang pagbabahagi ni Francine sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, “Tapos nakita ko na ‘yung name ko pina-trend niyo na ‘Happy Birthday Francine’ and salamat kasi alam ko bago makapasok sa top trends, kailangan talaga nasa thousand or more than 1,000 ‘yung tweets niyo, eh.

“Kaya maraming salamat po sa pagmamahal na binubuhos niyo sa akin at sa pagsuporta. At meron din pong pa-billboard. Hindi ko po inexpect ‘yun. Kaya maraming maraming salamat po!” masayang chika pa ng dalaga.

Sa isang bahagi ng video, nag-thank you rin ang Kapamilya young star na talagang nag-effort na magpunta sa party niya. Sey ng aktres, inimbita niya ang mga taong nagmamahal sa kanya at ang mga mahal na mahal din niya.

Samantala, bakit nga kaya wala ang tatlo pang members ng Gold Squad sa debut ni Francine na sina Kyle, Andrea at Seth. Tanong tuloy ng mga “Marites”, hindi kaya pinagkaisahan talaga nila si Francine?

View this post on Instagram

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)


Sa “Showbiz Update” ni Ogie Diaz sa YouTube, invited naman daw talaga ang tatlong Kapamilya stars pero nagkaproblema raw sa kani-kanilang mga schedule.

Magkakasama kasi ang tatlo sa bago nilang project, ang “Lyric and Beat” habang si Francine naman ay may sariling proyekto naman, ang “Bola-Bola.”

“Ang sabi sa akin ha, invited daw. Ang siste, nagkataon na si Blythe o si Andrea si Seth at si Kyle ay nandoon sa Baguio nagsu-shoot ng ‘Lyric and Beat,'” sey ni Ogie.

Sa tanong naman ng kasama ni Ogie sa vlog na si Mama Loi, bakit daw hindi ka-join si Francine sa “Lyric and Beat” at kung bakit wala roon si Francine, sinabi ni Ogie na schedule rin ang naging problema.

At kaya hindi na rin si Kyle ang partner ni Francine sa “Bola-Bola” ay dahil, “Nagkasabay din daw ang Lyric and Beat saka yung Bola bola na isa ring series.”

Sey pa ni Ogie, kaya raw naman hindi si Kyle ang nakatambal ni Francine sa “Bola Bola” ay dahil nasa loob pa that time ang young actor at singer ng “Pinoy Big Brother’ house.

Kamakailan ay naging hot topic sa social media ang litrato ni Francine at ng kanyang pamilya na kuha noong Bagong Taon. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikita sa litrato si Seth kaya inisip ng mga fans na magkasama silang nag-celebrate ng New Year na naging dahilan naman ng pag-aaway-away ng mga fans nina Andrea at Francine.

Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending