Carla nag-explain sa isyu ng 'pag-unfollow' sa IG; pero dedma pa rin sa chikang hiwalay na sila ni Tom | Bandera

Carla nag-explain sa isyu ng ‘pag-unfollow’ sa IG; pero dedma pa rin sa chikang hiwalay na sila ni Tom

Ervin Santiago |February 23,2022
facebook
share this

Carla nag-explain sa isyu ng ‘pag-unfollow’ sa IG; pero dedma pa rin sa chikang hiwalay na sila ni Tom

Ervin Santiago - February 23, 2022 - 11:03 AM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

SA wakas, naglabas na rin ng  saloobin si Carla Abellana tungkol sa chikang pag-unfollow nila sa Instagram ng kanyang asawang si Tom Rodriguez.

Ito’y matapos kumalat ang balita na naghiway na umano sila ng Kapuso actor ilang buwan lamang matapos ikasal. At sinundan pa ito ng chika na in-unfollow na raw nila ni Tom sa IG ang isa’t isa.

Kahapon, Feb. 22, nag-post si Carla sa Instagram Stories tungkol sa paraan ng pag-unfollow ng isang IG user sa kanyang followers. Ipinakita rito ng Kapuso actress ang option na “remove follower” sa IG.

Gustong ipabatid ng aktres na posibleng isang netizen mismo ang mag-delete sa isang follower kahit hindi  siya nito ina-unfollow.

View this post on Instagram

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Ang feeling ng kanyang mga IG followers, nais lamang ng aktres na ipaalam sa publiko na hindi niya in-unfollow si Tom noong bumandera ang tsismis noong Jan. 22 na naghiwalay na sila.

“Hello, everyone! I just needed to inform you all about a feature on Instagram so that you’re all enlightened.

“If you go to a person’s IG account and click the 3 black dots on the upper right, IG actually gives you the option to ‘Remove follower.’

“You can also go to your list of followers and REMOVE from there,” esplika ng misis ni Tom.
Ipinagdiinan din ni Carla na hindi siya yung tipo na mag-a-unfollow na lang basta-basta ng mga followers niya lalo na ang mga taong malalapit sa kanya.

“I find it very ‘grade school’ to unfollow-follow important persons in your life on social media within a short timeframe.

“On the other hand, it may actually be a skillful move if you’re playing a spiteful game,” sey pa ni Carla.

Kasunod nito, nagpaalala rin ang aktres tungkol sa isyu ng “DISTRACTIONS and DIVERSIONS especially on social media.” Tila nais niyang ipamukha sa lahat na hindi siya basta maiimpluwensiyahan ng mga paandar sa social media.

Pero hindi pa rin diretsahang sinagot ni Carla kung totoong hiwalay na sila ng kanyang asawa.
Samantala, may ipinost din si Tom sa Instagram Story kung saan binanggit niya ang isang rason kung bakit naman nawawala ang likes sa isang Instagram post.

“When you are blocked by someone you follow (Albeit temporarily), your likes on all their posts are automatically removed,” pahayag ng aktor. 

Wala siyang paliwanag tungkol sa cryptic post pero sa ngayon ay deleted na ito sa kanyang Instagram Story.

Matatandaang lumabas ang chika na may third party umano sa rumored breakup ng mag-asawa at nabanggit nga rito ang pangalan ng beauty queen-actress na si Kelley Day na nakasama ni Tom sa seryeng “The World Between Us.” Agad namang dinenay ni Kelley ang tsismis.

Nauna rito, nag-I love you si Tom sa isang IG post ni Carla pero dedma lang ang aktres sa kanya.
https://bandera.inquirer.net/296118/carla-abellana-tom-rodriguez-ikinasal-na

https://bandera.inquirer.net/280592/tom-gusto-sana-ng-6-na-anak-carla-umapela-pwede-siguro-hanggang-2-kasi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285636/rabiya-hindi-na-pina-follow-sa-ig-ang-non-showbiz-bf-tuluyan-nang-naghiwalay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending