KUMPIRMADONG nakarating na ng Los Angeles US of A ang singer/actor na si James Reid base mga larawan at video na pinost sa Instagram account na @jamesreidroyals 2 days ago.
Nakunan din ang paglabas ni James ng Los Angeles International Airport o LAX na isang maleta lang ang dala nito.
Ang caption ay, “We spy with our little eye, our precious bread at the LAX airport!
Hello, welcome to LA James Reid!”
May larawang kuha na hawak ng binata ang paper bag, “Welcome gift for our baby boy, @james. We hope you’ll like it!”
#JamesReid
Sadyang inabangan pala talaga ng fans ang pagdating ni James sa LA dahil inalam pa nito kung anong name ng grupo.
Aniya, “What’s up @reidersofficial and Royals, I landed safely. Back here in LA.”
Sagot ng fans, “Glad to know, @james! We’re happy to see you finally in LA. We’re excited for you. We’re rooting for you, our little rock star! We always got your back @james.”
Sapantaha naming ay mukhang may trabaho lang na gagawin si James sa Amerika at hindi siya magtatagal tulad ng mga nasulat na for good na siya dahil kung talagang doon na siya maninirahan ay bakit isang maleta lang ang dala niya?
Kung sa Amerika nakatira ang pamilya ni James ay puwedeng iyon ang isipin namin kung bakit konting gamit lang ang dala total taga roon naman sila, pero taga-Australia naka-base ang Reid family.
Anyway, anuman ang sadya ng singer/actor sa Us of A ay sana magtagumpay siya dahil sayang naman talaga ang talent niya.
Related Chika:
‘Sayang na sayang ang loveteam nina James at Nadine!’ — Cristy Fermin
James Reid tuluyan nang iiwan ang Pinas, itutuloy ang singing career sa Amerika
Nadine sa paghihiwalay nila ni James: I’m allowing myself time to heal…