Pacquiao: Paghalal sa mga korap, sanhi ng paghihirap ng Pinas
NANINIWALA si PROMDI presidential candidate Sen. Manny Pacquiao na kaya nananatiling mahirap ang Pilipinas at ang karamihan ng mamamayan ay walang tahanan, trabaho, at nawawalan ng pag-asa sa buhay ay dahil patuloy kasi nilang hinahalal ang mga korap sa gobyerno.
Sa pagpapatuloy ng kanyang pakikipagkonsultasyon sa publiko at taongbayan, sinabihan ni Pacquiao ang nga miyembro ng iba’t ibang grupo ng mga vendor sa tiangge, mananahi, at trabahador sa pagawaan ng tela at tsuper ng tricycle sa Brgy. San Juan at Brgy. Dolores sa Taytay na ang kahirapan sa bansa ay nag-uugat sa korapsyon na umiiral sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Sa kanyang diyalogo sa San Juan gym sa Brgy. San Juan, pinapurihan ng tiangge vendor na si Jaqueline Andres ang libreng pa bahay ni Pacquiao dahil ito umano’y isang ‘game-changer’ para sa maraming naghihirap na Pilipino na hanggang ngayon ay nangungupahan pa at walang sariling bahay.
“Nangungupahan kami ng bahay tapos nagbabayad pa kami ng tubig at kuryente kaya maganda itong plano n’yong libreng pabahay,” pinunto ni Andres sa senador.
Halos maluha sa pasasalamat, inilahad naman ng mananahi na si Carmina Miña ang hirap ng buhay Para sa kanya at sa kanyang pamilya makaraang mawalan siya ng trabaho sanhi ng pandemya ng coronavirus
Aniya, kailangan daw niya ng sewing machine upang maitaguyod at masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Tinugon ni Pacquiao ang mga iyon sa pagdetalye ng kanyang sariling karanasan na maaaring iugnay sa situwasyon ng karamihan ng manamayan ng Taytay at gayun din ng milyun-milyong Pilipino sa buong kapuluan.
“Ang taong nasa harapan ninyo ay nakaranas ng paghihirap tulad n’yo. Naranasan ko rin ang gutom at ang kawalan ng tirahan kaya prayoridad ko ang pabahay at pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mahihirap,” wika ng Pambansang Kamao.
“Pangarap kong hindi na maranasan pa ng iba ang paghihirap na aking naranasan noong bata pa ako,” dagdag pa niya.
Hinayag ni Pacquiao na mahalagang magising ang mga Pinoy sa katotohanang ang bansa ay naghihirap dahil sa patuloy na nahahalal ang mga pinunong alam naman nilang mga tiwali at magnanakaw.
“Gising. Gumising tayo para labanan ang katiwalian sa gobyerno. Naririnig natin ang magagandang plataporma pero wala namang nagyayari. Ito’y dahil sa korapsyon,” kanyang pinunto.
“Ang laban ko ay laban ng bayan. Ang laban ni Manny Pacquiao ay laban ng bawat Pilipino,. Makikita niyo, ipapakita ko sa inyo kung paano ko kakaladkarin sa kulungan ang mga magnanakaw sa gobyerno” pagpapatuloy ng senador.
Prinisinta rin kay Pacman ang 12-taong gulang na basahan vendor ba si Justin Fulo at nakita niya rito ang kanyang sarili noong kabataan niya. Ikinalungkot niya na ang mga batang tulad ni Puno ay hindi nakakapag-aral ng maayos dahil sa kahirapan.
“Noong kasing edad niya ako, nagbebenta din ako ng sari-sharing paninda, tulad ng paminta, bawang, pandesal, kahit sampagita at mga bulaklak. Breadwinner kasi ako. Ang batang katulad ni Justin ay dapat nag-aaral pero dahil sa kahirapan ay napipilitang tumulong sa kanyang mga magulang,” aniya.
Para matulungan ang batang vendor, nagdesiyon ang kampeon na bilhin na lamang ang lahat ng basahan na ibinebenta nito. Idiniin niya na magiging prayoridad ng kanyang administrayon Kung papalaring mahalal na pangulo ang pagbibigay ng hanap buhay sa lahat ng mga Pilipino at parusahan na rin ang mga nagpapautang ng 5/6 Para maprotektahan ang mahihirap.
Nangako din siya na magsusulong siya ng mga paraan para magpautang ng walang interes sa lahat ng mga nagnenegosyo upang mapanumbalik ang sigla ng ating ekonomiya na makakalikga ng milyun-milyong trabaho.
Mula sa Taytay, nagsagawa si Pacquiao ng motorcade patungo sa Cainta na kung saan ay mainit ang naging pagsalubong sa kanya ng libu-libong mamamayan sa pangunguna ni Mayor Kit Nieto.
Naintig umano si Pacquiao sa ipinakitang mainit na suporta sa kanya ni Mayor Nieto at mga residente ng Cainta kaya kanyang tiniyak ang malinis at tapat na pamamahala sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Galing sa Cainta, nagsagawa naman ang senador ng courtesy call sa mga pamahalaan lokal ng Binangonan at Morong bago nagtanghal ng isa pang consultative dialogue sa iba’t ibang organisasyon ng mga magsasaka sa Tanay.
Related Stories:
Bilang ng overseas Pinoy na naka-recover sa COVID-19, nasa 10,060 na
Malakanyang nalungkot sa pagbagsak ng Pilipinas sa World Happiness Report ranking
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.