Malakanyang nalungkot sa pagbagsak ng Pilipinas sa World Happiness Report ranking | Bandera

Malakanyang nalungkot sa pagbagsak ng Pilipinas sa World Happiness Report ranking

- March 27, 2021 - 01:47 PM

Photo courtesy of magingalagadngsining.wordpress.com

Nalulungkot ang Palasyo ng Malakanyang na mas kaunti ang bilang ng mga Pilipino na maligaya sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Base sa ulat ng World Happiness Report, nasa ika-61 na puwesto na lamang ang Pilipinas ngayong taon, kumpara sa ika-52 na puwesto noong 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naging malungkot ang mga Pilipino dahil sa epekto ng pandemyang Covid-19.

Gayunman, umaasa si Roque na mababago pa ang pananaw ng mga Pilipino dahil may bakuna na kontra sa coronavirus na sakit ang Pilipinas.

Kumpiyansa si Roque na kapag natapos nang mabakunahan ang lahat, liligayang muli ang mga Pilipino.

“Nalulungkot tayo na naging mas kakaunti ang mga maligaya sa bansa natin ngayon pero ito ay epekto ng pandemiya. Nandiyan naman po ang pag-asa natin sa pagdating ng mga bakuna. So, inaasahan po natin na matapos mabakunahan ang lahat eh, mas liligaya muli ang mga Filipino,” pahayag ni Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending