Lassiter napiling PBA Player of the Week | Bandera

Lassiter napiling PBA Player of the Week

Frederick Nasiad - September 17, 2013 - 03:00 AM


SA palagay ni Petron Blaze coach Gee Abanilla, hindi pa nakakamit ni Marcio Lassiter ang tunay niyang potensiyal sa paglalaro ng basketball.

Pero ngayon pa lang ay isa na si Lassiter sa mga naaasahan ni Abanilla sa kanyang koponan. Sa pangunguna ni Lassiter ay nanalo ng tatlong sunod ang Petron, dahilan para parangalan ang 26-anyos na manlalaro bilang Accel-PBA Player of the Week sa period mula Setyembre 9 hanggang 15.

Sa linggong nagdaan ay nag-average si Lassiter ng 18.3 puntos at tumira ng 8-of-15 mula sa three-point area para pagbidahan ang panalo ng  Petron sa Talk ‘N Text (122-88), Alaska (103-100) at Global Port (101-90).

Gayunman, hindi inaangkin ni Lassiter ang mga panalong ito. “This is more of a team effort. It’s never about one person,” aniya.
“Thankfully, my teammates found me and they gave me the confidence to make my shots.

My teammates made this possible.” Naniniwala si Abanilla na malaki pa ang ihuhusay ng kanyang 6-foot-3 swingman. “He’s such a good player,” sabi Abanilla. “He started slowly, pero I think he’s getting his bearings now.”

Sa kabuuan, ang Petron ay may eight-game winning streak na at magtatapos sa elims na tangan ang unang puwesto.
“In the coming games mas maganda pa ilalaro niya.

He’s a very smart player,” dagdag pa ni Abanilla. “His real talent is his basketball IQ napakataas. Sa defense nakikita naman ang mga ginagawa niya. Sa offense ang galing niyang bumasa. But I think he has yet to reach his full potential.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending