Angel: Finally, may wedding ring na rin kami, thank you my love Neil Arce! | Bandera

Angel: Finally, may wedding ring na rin kami, thank you my love Neil Arce!

Ervin Santiago |February 14,2022
facebook
share this

Angel: Finally, may wedding ring na rin kami, thank you my love Neil Arce!

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 02:38 PM

Angel Locsin at Neil Arce

SA wakas, naisuot na rin ng celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang wedding ring.

Makalipas ang halos kalahating taon, after nilang magpakasal sa isang intimate civil wedding ay may ipagmamalaki na ring legit na singsing ang mag-asawa sa madlang pipol.

Excited itong ibinalita ni Angel sa kanyang fans at social media followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan ibinahagi ng aktres ang ilang ganap sa early Valentine’s date nila ni Neil (kahapon).

Ani Angel sa caption, “Pre-valentine’s dinner.

“Sabi ko simplehan lang! May pa-wedding ring si Mr. Arce. Finally, may wedding ring na rin kami  Thank you my love @neil_arce. #HappyPusoDay,“ mensahe pa ng Kapamilya actress.

Sa kanya namang IG account, ipinagdiinan ni Neil na wala nang magagawa si Angel dahil panghabangbuhay na raw na sila ang magkasama tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso.

“My favorite human. wala ka na choice kasal na tayo may date ka na tuwing Valentine’s. I Love you!” ang caption ni Neil sa sweet photo nila ng kanyang pinakamamahal na misis.

At habang excited na sa kanilang romantic dinner sa bahay, ibinigay na nga ni Neil kay Angel ang wedding ring nila na proud na proud ng nilang ibinandera sa buong universe.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)


Sa naganap na kasal ng dalawa sa Taguig City Hall na pinangunahan ni Mayor Lito Cayetano, wala silang dalang official wedding ring. Hiniram muna ni Neil ang singsing ng kanyang anak at ang engagement ring ni Angel.

Matatandaang nag-propose si Neil kay Angel noong 2019 at naka-schedule nang ikasal noong November  2020 ngunit na-postpone nga ito dahil sa COVID-19 pandemic. 

Sa isa nilang vlog, ibinalita ng mag-asawa na nagpakasal na sila noong Aug. 7, 2021 kasabay ng paglipat nila sa kanilang bahay.

https://bandera.inquirer.net/290246/payo-kay-neil-arce-ng-ina-maging-ander-ka-sundin-mo-lahat-ng-gusto-ni-angel-para-masaya-kayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290237/angel-neil-magpapakasal-pa-rin-sa-simbahan-dimples-naging-instant-photog-sa-civil-wedding
https://bandera.inquirer.net/282596/angel-umaming-walang-dream-wedding-si-neil-talaga-yung-groomzilla-hindi-ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending