Nadine natupad na ang pangarap maging sirena, sigaw ng fans: 'Dyesebel, beke nemen!' | Bandera

Nadine natupad na ang pangarap maging sirena, sigaw ng fans: ‘Dyesebel, beke nemen!’

Ervin Santiago - February 10, 2022 - 06:17 PM

Nadine Lustre

SA wakas, natupad na rin ang isa sa mga ultimate dream ng singer-actress na si Nadine Lustre — ang maging sirena!

Hindi man sa teleserye o pelikula, super happy na rin ang dalaga na finally ay naging mermaid na rin siya sa pamamagitan nga ng latest photoshoot niya para sa isang fashion magazine. 

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng award-winning actress ang isa sa mga litrato niya mula sa kanyang recent pictorial kung saan makikita siyang nakasuot ng sirena costume habang nasa studio.

Aniya sa caption ng kanyang paandar na photo, “Living out the dream.” 

In fairness, bagay na bagay din pala kay Nadine ang gumanap na mermaid kaya huwag na tayong magulat kung isang araw ay siya na ang magbida sa susunod na remake ng classic Pinoy sirena movie na “Dyesebel” na nagkaroon na rin ng TV version several years ago.

Marami nga sa mga fans na nagkomento sa post ng aktres ay nananawagan sa ABS-CBN at Viva Entertainment na gumawa na uli ng remake ng “Dyesebel” para kay Nadine.

View this post on Instagram

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Nauna rito, nagsalita rin ang dalaga tungkol sa naging buhay niya sa Siargao na itinuturing na rin niyang ikalawang tahanan ngayon. Doon niya rin natagpuan ang boyfriend niyang si Christophe Bariou na nagmamay-ari ng isang resort sa nasabing isla.

“I’m calmer now. I’ve learned to slow down. In Siargao, everything, everyone is chill. They like taking their time. 

“Here in the city, everything is too fast-paced for me. And to be honest, there was a time when I was just tired of it.

“I get it, it’s different for everyone. But for some reason my life has just been me rushing doing five things at the same time,” pahayag ng aktres sa panayam ng Mega. 

Patuloy pa niya, “When I moved to Siargao, that’s the really the time when I got to pause my fast life and just enjoy myself. It’s really different. 

“It’s weird, you really pick up the energy of the place. I noticed that when Im in Siargao, I was really slowing myself down and I was just taking my time. I loved it  I got to savor my life even more,” sey ni Nadine.
https://bandera.inquirer.net/288384/ivana-bagay-na-bagay-maging-dyesebel-kapatid-na-si-hash-nanliligaw-kay-donnalyn-bartolome

https://bandera.inquirer.net/284980/juday-umiyak-nang-bongga-nang-mapurnada-ang-pagganap-na-sirena-sa-dyesebel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280620/bashers-halos-isumpa-sina-derek-at-ellen-hindi-rin-kayo-magtatagal-for-sure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending