Nadine, Diego super intense sa ‘Greed’; Vivamax tuluy-tuloy ang pag-ariba ngayong 2022
Nadine Lustre at Diego Loyzaga
SUPER na-excite ang mga fans nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga nang mapanood ang teaser para sa pelikula nilang “Greed” under Viva Films.
Siyempre, tuwang-tuwa naman ang direktor ng pelikuka na si Yam Laranas sa napakainit na pagtanggap ng mga tagasuporta nina Nadine at Diego na nangakong aabangan talaga nila ang “Greed.”
Kahapon, Feb. 9, inilabas nga ng award-winning filmmaker ang 45-second teaser ng movie kung saan mapapanood ang ilang intense at intimate scenes ni Nadine with Diego, pati na rin ang nga eksena ng aktres kasama si Epy Quizon.
Ayon sa official social media page ng Viva Films, ang plot ng “Greed” ay, “When a couple finds out they hit the biggest jackpot in the lottery, they make a quiet exit in their sleepy town; however, things don’t go as planned.”
Wala pang ina-announce ang Viva Entertainment kung kailan ipalalabas ang unang pagtagambal nina Nadine at Diego sa pelikula pero siguradong ngayon pa lang ay atat na ang kanilang supporters na mapanood ito.
View this post on Instagram
* * *
Patuloy na namamayagpag at pag-achieve ng iba’t ibang milestones ang number 1 streaming platform ngayon sa Pilipinas, ang Vivamax.
Sa selebrasyon pa lang ng kanilang unang anibersaryo noong Jan. 29, 2022, gold standard na agad ang Vivamax sa paglago ng digital entertainment dito sa Pinas.
Noong nakaraang taon, nagkaroon ng 14 million views ang Vivamax, ito ay dahil na rin sa pinaghalong husay at kalidad ng mga pelikula at serye mula sa Viva, pati na rin ang magandang line up ng mga Korean movies at Hollywood blockbusters, at linggo-linggong premieres ng Vivamax Original and Exclusive titles.
Sa dami ng mapapanood sa Vivamax, nahiyakat nito ang mga viewers na mag-subscribe at nagkaroon na ng 2.5 million users sa unang quarter pa lang ng 2022. At siguradong mas dadami pa ito, dahil ngayong taon, dalawa na ang ilalabas na bagong titles linggo-linggo.
All around the world, kaya na ring marating ng 100% Pinoy streaming platform at ngayong 2022 naghahanda na ang buong Vivamax Family para sa mas maraming magiging subscribers mula sa ibat-ibang parte ng mundo, dahil pwede nang mapanood ang Vivamax sa mas marami pang bansa.
Sa unang quarter rin ng 2022 mas namayagpag pa ang Vivamax Plus, ang pinakabagong pay-per-view service ng Vivamax. Ni-launch noong huling quarter ng 2021, sa Vivamax Plus unang mapapanood ang mga pinakabagong Vivamax Original movies, mga digitally-enhanced classics mula sa daan-daang pelikula ng Viva Films, newest blockbusters mula sa Korea at Hollywood, mga concert specials mula sa Viva Live, at marami pang iba. Lahat ng ito, mapapanood in 4K resolution.
Para magpasalamat sa tagumpay ng unang taon nito, may hinahanda ang Vivamax na sorpresa para sa parami nang parami pa nitong subscribers at siguradong kaabang-abang ito.
Patuloy pa rin ang Vivamax sa pagtupad sa mga pangako ng Viva – ang mag-produce ng mga pelikulang pinagbibidahan ng mga mahuhusay at naglalakihang artista, magkaroon ng mga pelikulang may iba’t ibang tema, at patuloy na maghatid ng kasiyahin mula sa mga palabas na siguradong magugustuhan ng bawat Pinoy.
https://bandera.inquirer.net/302886/4-na-kilalang-celebrity-nakaranas-ng-matinding-sintomas-nang-magpositibo-sa-covid
https://bandera.inquirer.net/285359/fans-wish-na-magkatuluyan-sina-rita-at-ken-rocco-max-muling-magtatambal-sa-gma-series
https://bandera.inquirer.net/295004/rita-pinky-disappointed-kay-yorme-nagpasalamat-dahil-nagpakita-agad-ng-tunay-na-kulay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.