KRIS: Ayoko nang magsalita para di maudlot, tahimik na lang ako! | Bandera

KRIS: Ayoko nang magsalita para di maudlot, tahimik na lang ako!

Ervin Santiago - September 17, 2013 - 03:00 AM

MARAMI na namang naglalabasang chika tungkol sa lovelife ng Queen of all Media na si Kris Aquino, may ine-entertain daw ngayon na manliligaw ang TV host-actress pero hanggang ngayon ay ayaw pang umamin.

Nauna nang sinabi ni Kris sa isang interview na kahit daw “lolo” na ay papatulan niya kung talagang mahal niya ito, wala raw problema sa kanya kung ang magiging next boyfriend niya ay malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Sa interview naman ng The Buzz kay Kris last Sunday, kahit anong pilit ang gawin sa kanya, ayaw talaga niyang magsalita.
“No comment talaga kasi I deserve privacy and happiness,” natatawang chika ni Tetay. Dagdag niya, “Okay naman.

Ayokong sabihin na happy na happy ako kasi maraming gustong maging sad ako, kaya okay lang.”  “Hindi ako magsasalita kasi may nagsabi sa akin na if you let that aspect of your life private mas may chance na mag-progress, mag-develop at maging maligaya.

So mas maganda na tumahimik na lang ako,” pahabol pa ni Kris. Samantala, panay-panay na ang shooting ng pelikula nilang “My Little Bossings” kasama sina Bimby, Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto, at aminado si Kris na talagang nagpapaka-stage mother siya sa anak.

“Ito yung first movie ni Bimb so gusto ko talaga mag-look back siya fondly on this. Natutuwa siya na siya naman ngayon,” pahayag ni Kris kasabay ng pagsasabing very proud siya sa bagets dahil sa murang edad ay napaka-professional na nito, “Para alam niya kung ano yung trabaho talaga na focused dapat.

Nagbe-behave naman so nakaka-proud. Ang gusto ko talaga yung lumalawak ang pagtingin niya sa kung ano ang meron sa mundo.”

And of course, bilib na bilib din si Tetay sa ka-loveteam ni Bimby na si Ryzza, “Ang nakita ko lang talaga is nagtutulungan sila. Pero napapansin ko lang may shyness pa ng konti kay Ryzza.

Sinabi niya sa akin ‘Ang name po naming kasi masa kami ‘Bi-Ry’ sabi ko, ‘Okay kung yan ang gusto mo Bi-Ry go!”  Sinagot din ng TV host-actress ang issue na parang pinipilit daw niyang magtrabaho agad ang anak, may mga nagsasabi kasi na siya lang daw ang may gustong mag-artista si Bimby, “Nagkataon lang talaga that this opportunity arose and nung talagang in-offer nila sakin for Bimb to be part of this and for me to co-produce it, I thought about it talaga and I discussed it with my family tapos na-realize ko na ngayon lang darating yung opportunity na ito na cute pa siya, maliit pa siya.

Gusto kong gawin and gusto ko na masubaybayan ko.” Sa katunayan, hindi pa rin niya tinatanggap ang offer ng Dreamscape Productions nina Deo Endrinal (ninong ni Bimby) na magbida ang bagets sa isang season ng Wansapanataym, “Ayoko lang na mag-suffer ang school because he’s doing well.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay siya academically tapos sa sports he’s on the taekwondo team and nandoon siya sa swim team na so prioritizing lang talaga yan. Ayokong ma-deprive siya of a childhood, so tignan nalang natin.”

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending