‘Friend zone’ hugot ni Donny viral na; mga fans kanya-kanyang paandar sa pagso-sorry
Donny Pangilinan
VIRAL ngayon at ginawan pa ng sandamakmak na memes ang pag-amin ni Donny Pangilinan na minsan na rin siyang nabigo sa larangan ng pag-ibig.
Dirersahang sinabi ng Kapamilya actor at TV host na na-friend zone siya ng isang babae noong medyo bata-bata pa siya at nagsisimula pa lamang mag-explore habang nagbibinata.
Nitong huling linggo pa ng January inilabas ni Karen Davila ang panayam niya kay Donny sa kanyang YouTube channel pero ngayon lang talaga kumalat nang bonggang-bongga ang mga memes tungkol sa “friend zone” hugot ng binata.
Sa isang bahagi ng vlog ni Karen, napag-usapan nga ang tungkol sa lovelife kaya natanong ang young actor kung naranasan na ba niyang ma-heartbroken.
Ayon sa anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, na-in love siya noong high school at ikino-consider daw niya ito bilang unang heartbreak niya.
“Of course, I’ve been in love. I’m 23 na. I think high school. We never got together.
“I guess that can count as heartbroken, kasi na-friend zone ako dati, e,” aniya pa.
Reaksyon naman ni Karen sa pag-amin ng ka-loveteam ni Belle Mariano, “Oh gosh. Hindi ko iisipin, sa hitsurang ‘yan, napi-friend zone!”
At ito nga ang pinag-ugatan ng napakaraming viral memes sa social media na nagsimula lamang sa ipinost simpleng post ng isang Facebook user.
View this post on Instagram
Karamihan sa mga nag-react at nagkomento ay ang mga fans ni Donny na akala mo’y sila ang girlalu na nambasted at nang-friend zone sa binata kasabay ng pagpo-post ng kani-kanilang public apology para kay Donny.
Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na comments ng netizens.
“You also need to hear my side, ayoko sanang magsalita pero parang ako ‘yung mali eh,” ang paandar na punchline ng isang fan.
Ito naman ang chika ng netizen na akala mo’y totong niligawan ni Donny, “Para po maging malinaw lahat, to Donny Pangilinan, di dahil sa ayaw kita pero alam mo naman na tuwing pumupunta ka sa bahay namin e halos di ako palabasin ng mga magulang ko and you know na napaka strict ng parents ko huhu. I’m sorry talaga. Although pinaglaban mo yung nararamdaman mo sakin talaga, e family first muna ako huhu.”
Mahabang hirit naman ng isang FB user, “I guess it’s time to speak up. Donny, huwag mo namang bawasan ang story to the point na namumukha akong masama. You know my reasons.
“You know how exactly my parents kung gaano sila ka strict! I’m so disappointed, Donny. Alam kong nasaktan ka sa nangyari pero dont be selfish.
“I was in pain too. Hindi mo alam kung gaano kahirap mag let go kahit may nararamdaman na ko sa’yo. You have your followers. Grow up.”
Ito pa ang isa, “Both of us agreed that we need to keep what’s between us secret kasi may contract pa sya with Kisses. Pero ‘di ko na kaya, nasasaktan din ako, kaya friends muna kami. At Belle came into the picture. Okay na sana kami, nag Batangas pa kami pero ‘di talaga nag work. To Donny, I’m sorry.”
https://bandera.inquirer.net/283477/donny-proud-na-proud-sa-hes-into-her-pero-umaming-nape-pressure-dahil
https://bandera.inquirer.net/303742/donny-inisa-isa-ang-mga-nagustuhan-sa-ka-loveteam-belle-and-i-are-in-a-happy-place-right-now
https://bandera.inquirer.net/296849/neri-natuwa-sa-hes-into-her-may-pasabog-tungkol-kina-chito-at-donny
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.