COVID-19: Hindi na 'socially dangerous disease' | Bandera

COVID-19: Hindi na ‘socially dangerous disease’

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
February 04, 2022 - 07:13 PM

covid-19

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Marami nang bansa sa buong mundo ang inaalis na lahat ng mga ipinatupad nilang “restrictions”. Wala nang face masks, Covid passports, lockdowns, “proofs of vaccination”, quarantine at babalik na sila sa pamumuhay ng “normal”. Simula ngayon, ang Denmark, pati Sweden, Ireland, Switzerland, Norway, Netherlands, Lithuania, Italy , France, UK at dalawang states sa Canada ay  babalik sa normal na buhay. Ibinaba ang alarma ng pandemya at pumasok na sa “endemic phase”. “Record breaking” pa rin ang kanilang mga “infections”, pero hindi naman dumadami ang mga nao-ospital at nagagagamot na ang mga tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa Sweden, ito’y  hindi na “socially dangerous disease”. Sa  Denmark, hindi na ito “socially critical disease” at malaking banta sa kanilang lipunan. Nakatulong dito ang mataas na vaccination rates ng mga bansang ito sa Europe kayat ito raw ang nagbigay proteksyon sa kanila kahit may “surge” pa doon ng OMICRON.

Kaya naman, dito sa atin, mapapaisip tayo kung tama na bang lumipat sa “endemic phase” at luwagan ang mga restrictions.  Sa ngayon, halos 60-M fully vaccinated na ang mamamayan, at ito’y 55 percent ng populasyon.  Aabot ito sa 70 percent sa kalagitnaan ng taong ito. Sa NCR, lampas na tayo sa “herd immunity”.

Kung susuriin, hinagupit tayo ng ng husto ng OMICRON.  Ayon sa DOH-OCTA, ang mga kaso sa Metro Manila ay bumaba na sa 724 kahapon ,. Nanggaling ito sa 1,999 (Feb.2), 1,477 (February 1), 4,040 (January 31) at 2,008 (January 30). Ang pinakahuling reproductove number (RN) ngayon ay 0.41, indikasyon na tuluyan na itong bumababa

Nag-peak ang OMICRON noong January 15 na 18,422 cases ang naitala at ang reproductive number (RN) ay pinakamataas sa 4.69 o halos limang doble ng kasalukuyang RN. Iyon ang nakakatakot na linggo kung saan 15,445 kaso (January 11), sinundan ng 18,140 (January 12), 17,069 (January 13) at 17,081 (January 14). Hindi pa kasama dito iyong nag-positive sa antigen tests at mga taong nag-self quarantine na lamang. Napakarami tayong balita na pami-pamilya, sanggol, bata, adults at mga seniors ang tinamaan. Walang pinipili, kahit “fully vaccinated”, tatamaan ka rin pero mas protektado ka lang kaysa sa mga nadidisgrasyang walang bakuna.    Mabuti na lamang nakaraos tayo at sa awa ng Diyos ay hindi naman tumaas ang bilang ng nasawi kahit napakadaming nagkaka-COVID.

Ngayon, marami tuloy ang napapaisip .  Kung ganitong pababa na ang OMICRON sa Metro Manila at sa buong bansa, kailangan pa bang magpa-booster shot ang mga “fully vaccinated”?

Kailangan pa bang bakunahan ang mga batang nasa edad ay 5-11 years old gayong wala nang banta ng OMICRON?  Nagsampa ng kaso ang dalawang magulang sa QC laban sa Department of Health para ipatigil ito at humiling na pairalin ang “right to consent” at “right to refuse” dahil naniniwala silang mapanganib ito sa buhay ng kanilang mga anak. Sa Amerika, ang bakuna sa mga 5 taong gulang na bata ay meron pa lamang “approval for emergency use” ng US-FDA.  Ibig sabihin, ang bakuna sa mga bata doon ay wala pang “full approval” ng US FDA tulad ng ibinigay sa mga adults.

Itinigil muna ng DOH ang pagbakuna sa mga bata palagay, mas nararapat muna sigurong hintayin ng DOH ang “full approval” ng US-FDA bago tayo magbakuna sa mga bata. Mabuti nang sigurado kaysa magsisi tayo tulad ng DENGVAXIA. Maraming “side effect” ang mga  bakunang ito na hindi pa natin nalalaman. Okey lang sa ating mga nakatatanda, pero sa mga bata dapat DOBLE-INGAT tayo.

At kung hindi na “socially dangerous” o socially critical disease” ang COVID-19 sabi ng mga eksperto sa ibang bansa, bakit natin sasaksakan ng bakuna ang mga bata?  Katulad halimbawa ng “trangkaso” o “flu”, nakakahawa rin iyan, pero nagbakuna ba tayo sa mga bata laban sa flu o trangkaso para protektahan sila?

Tayo po ay papunta na sa “endemic phase”, kung saan tatamaan ka ng COVID-19 variant, pero ito’y nagagamot na kahit sa bahay o sa ospital kung medyo “severe”. Nagdedeklara na ng “COVID-19 Freedom Day” sa mga bansa sa Europa Ika nga, kailan kaya dito sa atin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

IATF at DOH, bantay sarado kami sa inyo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending