Yamyam Gucong may pa-baby reveal: Coming princess! | Bandera

Yamyam Gucong may pa-baby reveal: Coming princess!

Therese Arceo |February 02,2022
facebook
share this

Yamyam Gucong may pa-baby reveal: Coming princess!

Therese Arceo - February 02, 2022 - 09:06 PM

Yamyam Gucong may pa-baby reveal: Coming princess!

MASAYANG ibinahagi ng “Pinoy Big Brother Otso” winner na si Yamyam Gucong na babae ang kanilang magiging anak ng fiancé na si Elaine Toradio.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost nya ang kopya ng sonogram ng kanyang future misis.

“Coming princess ” saad ni Yamyam sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)

Full support naman sa kanyang ang Team LAYF na binubuo nina Fumiya Sankai, Andre Brouillette, at Lou Yanong na masayang masaya para sa new chapter sa buhay ng kaibigan.

“Yahoo. Masaya to. Congrats,” saad ni Mickey Perz na mula rin sa PBB.

“Congratulations, Yam!!!!” sey naman ni Justin Dizon.

Matatandaang nitong Disyembre nang ibahagi ng PBB Otso Big Winner na nagdadalang tao ang kanyang fiancée.

Noong Oktubre naman nang mag-propose siya kay Elaine.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naapektuhan rin ang pamilya ni Yamyam nang salantahin ng bagyong Odette and kanilang lugar sa Bohol.

Sa kabila ng naranasan ay labis pa rin ang pagpapasalamat ng komedyante dahil ligtas at walang napahamak sa kanyang pamilya.

“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Panginoon dahil safe lahat ang aking pamilya. Pangalawa, gusto kong pasalamatan ang mga taong tumulong para makapagbigay ng kaunting tulong sa aking mga kababayan na sobrang naapektuhan sa Bagyong Odette.

“Napakahirap man bumangon ulit pero eka nga nila ‘Ang taong hindi hahanap ng paraan para makabangon ay lalong mababaon’. Kahit man kami ay sobra din naapektohan ng bagyo subalit ito’y hindi hadlang upang tumulong sa mga kababayan ko. Ako’y nagpapasalamat din sa mga nag volunteer. Godbless sa inyong lahat,” saad ni Yamyam sa kanyang post noong December 30, 2021.

Nang interviewhin naman siya sa “Magandang Buhay” nitong unang bahagi ng taon ay ibinahagi niya ang kanyang mga bagong biling investments gaya ng sasakyan at lupa para sa kanyang pamilya.

Mayroon na rin itong maliit na nagosyong nasimulan sa kanilang lugar sa Bohol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling napanood sa iWant series na “Hoy, Love You” si Yamyam kasama ang mga bida na sina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa.

Related Chika:
PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa
‘PBB Otso’ Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending