PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa | Bandera

PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa

Therese Arceo |October 22,2021
facebook
share this

PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa

Therese Arceo - October 22, 2021 - 02:15 PM

PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa

ENGAGED na ang “Pinoy Big Brother” Otso Big Winner na si Yamyam Gucong sa kanyang non-showbiz at longtime dyowa.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi nito sa publiko ang naging proposal kay Elaine.

“Alam kong immune ka na sa mga surprises ko sayo dati at gusto kong maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng ‘Papayag ka ba na maging asawa ko?'” paglalahad ni Yamyam.

Limang taon nang magdyowa sina Yamyam at Elaine. Kuwento pa noon ng PBB Otso Big Winner, sa evacuation center sila unang nagkakilala matapos magkaroon ng malakas na lindol sa Bohol noong 2013.

Bumuhos naman ang mensahe ng mga kaibigan ni Yamyam sa industriya pati na rin sa mga kapwa housemates na nakasama niya noon.

“Congrats bro,” bati ng kanyang matalik na kaibigan at spiritual brother na si Fumiya Sankai.

“So happy for you brotha. God bless you both and your new journey together as one,” comment naman ni André Brouillette.

“YES. LIVING FOR THIS,” sabi naman ni Lou Yanong.

Ang apat ay parte ng Team LAYF (Lou, André, Yamyam, Fumiya) na talaga namang tinangkilik ng madlang pipol.

“Congrats Yaaaaaam Yaaaaam,’ comment ng kapwa big winner na si Melai Cantiveros.

“CONGRATULATIONS, YAAAAM!!!!” ani Ritz Azul.

“AYUN NA NGA PO! ANG BIG WINNER NAMIN!” comment rin ni Kiara Takahashi na nakasama ni Yamyam nang pumasok silang muli sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Marriage is not a contract… it is a covenant with God. Congrats sa inyong dalawa! Godbless,” sey naman ni Joross Gamboa na nakasama ni Yamyam sa iWant series na “Hoy love you”

Si Yamyam Gucong ay unang napanood bilang isa sa mga housemate ng “Pinoy Big Brother Otso” na talaga namang minahal at tinangkilik ng tao.

Napukaw rin ni Yamyam ang puso ng madlang pipol dahil sa kanyang pagiging masiyahin, inspiring story at ang magandang pagkakaibigang umusbong sa kanila ni Fumiya Sankai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related chika:
Kisses ayaw talagang manalong Big Winner sa PBB; Maymay dasal na maging Miss U ang kaibigan
PBB big winner Liofer may napili nang aktor kapag itinampok ang life story sa MMK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending