'PBB Otso' Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na! | Bandera

‘PBB Otso’ Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na!

Therese Arceo |December 10,2021
facebook
share this

‘PBB Otso’ Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na!

Therese Arceo - December 10, 2021 - 07:01 PM

Yamyam Gucong magiging daddy na!

ISANG bagong chapter na naman ng buhay ang sisimulan ng “Pinoy Big Brother Otso” Big Winner na si Yamyam Gucong ngayong magiging daddy na siya.

Sa isang TikTok video na in-upload ni Yamyam ay kitang-kita ang baby bump ng kanyang fiancé na si Elaine Toradio.

Ibinahagi niya rin ang nasabing video sa kanyang Instagram account bilang parte ng celebration ng kanyang ika-28th birthday.

“I dont need more money, I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me,” saad ni Yamyam.

Kasunod ng mga maliligayang bati ng mga kaibigan at ng mga netizens sa “PBB Otso” Big Winner, marami rin ang nag-congratulate sa future husband and wife para sa parating nilang anak.

“OMG! Congratulations, Yamito! Happy birthday,” comment ng isang netizen.

“Happy birthday Yam and congratulations! Magiging daddy ka na pala,” saad pa ng isang netizen.

“Happy birthday guapo,” comment naman ni Andre Brouillette na nakasama rin niya sa “PBB” at parte rin ng Team LAYF (Lou Yanong, Andre Brouillette, Yamyam Gucong, Fumiya Sankai).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)

Matatandaang noong Oktubre 20 nang ibahagi ng “PBB” Big Winner sa kanyang social media accounts na engaged na sila ng kanyang longtime dyowa.

Mismong sa loob pa nga ng shop kung saan nabili ni Yamyam ang singsing siya nag-propose.

“Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng “papayag kaba na maging asawa ko?” saad ni Yamyam sa kanyang social media post.

Mayroon ring video na ipinost si Yamyam na kuha habang nagpo-propose siya sa kanyang matagal nang dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yamyam also quipped in a separate post, “Kung sinabi mong ‘NO’ andali ko lang isauli singsing na binili ko #fiance #proposal” saad ng binata sa kanyang post.

Limang taon nang magdyowa sina Yamyam at Elaine. Kuwento pa noon ng PBB Otso Big Winner, sa evacuation center sila unang nagkakilala matapos magkaroon ng malakas na lindol sa Bohol noong 2013.

Related Chika:
PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending