Direk Paul Soriano ayaw tantanan ng mga haters ni Bongbong Marcos: Huli ka, Balbon!
Bongbong Marcos, Paul Soriano at Sara Duterte
HANGGANG ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng mga bashers at haters ang asawang director-producer ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano.
Ito’y may kinalaman sa umano’y pagtatanggol ng direktor sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa ilang negatibong balita na naglabasan nitong nagdaang mga araw.
May mga kuwento kasi na sa halip daw na naka-quarantine si Bongbong matapos ma-expose sa taong may COVID-19 ay gumawa pa umano ito ng ad campaign na idinirek daw ni Paul.
Binabanatan ngayon ng mga netizens ang mister ni Toni dahil sa umano’y pagtatakip nito sa kumakanditatong pangulo ng bansa sa darating na May, 2022 elections.
Naglabas pa raw ng resibo o ebidensiya ang ilang netizens na magpapatunay sa akusasyon nila kina Bongbong at Direk Paul — ito nga yung Twitter post ng producer noong Jan. 29, 2022, kung saan makikita ang BTS o behind-the-scene pictures ng Unity campaign video ng dating senador at ni Mayor Sara Duterte-Carpio para sa Eleksyon 2022.
Makikita si Paul na kasama sina Bongbong at Inday Sara sa tapat ng blue screen na pinaniniwalaang kuha sa isang studio. Bukod pa rito ang photo ng direktor kasama ang nakatawang presidential candidate habang nagbabasa ng script.
Isa pang inilabas ng netizens ay ang litrato ng clapper na may nakasulat na “January 8, 2022” — ang sinasabing petsa nang kunan ang ad campaign.
Ikinakabit ito ng mga netizen sa hindi pagdalo ni Bongbong sa hearing ng disqualification cases laban sa kanya sa Commission on Elections (Comelec) noong Jan. 7.
Ayon kasi sa medical certificate na inilabas ng kampo ng dating senador, dumaranas daw ito ng sintomas ng COVID-19 kaya agad nag-quarantine. Bukod dito, naging close contact din si Bongbong ng taong may virus.
Sabi ng mga netizens, maituturing daw na paglabag sa quarantine protocols ang pagsama ni Bongbong sa video shoot na kinunan nina Paul noong Jan. 8.
At kasunod nga nito, kaliwa’t kanang batikos na nga ang inabot ng asawa ni Toni. Ninong din kasi ng celebrity couple sa kasal ang presidential aspirant.
“Huli ka balbon! Ayan binuko ka ni inaanak. So paano na naman kayang pagpapalusot ang gagawin ng supporters mo?” ang komento ng isang netizen sa isang photo nina Paul at Bongbong.
Samantala, nagpaliwanag na si Paul tungkol sa kontrobersiya nitong nagdaang Linggo, Jan. 30, “The UNITY commerical was shot all over the Philippines for one week. On January 8, 2022 I was in Davao with my staff and crew shooting the Davao portion of the commerical.
“We were in Brgy. Kapatagan capturing the beauty of Mt. Apo,” aniya pa.
Sinundan pa ito ng kanyang panayam sa SMNI last Jan. 31 kung saan ipinagdiinan niya na inuna niyang kunan ang on-location sites na kasama sa campaign video at ibang araw daw sila nag-shoot ni Bongbong.
“Tapos January 8 I shot all the vignettes na kasama lahat ng mga talents. Wala pa rito si BBM and Sara,” depensa ni Paul.
“They were never with me from January 4 to January 8. I was just basically on standby. After my shoot in Davao, I was on standby, waiting for confirmation from Atty. Vic when the studio shoot will happen with BBM and Sara,” dagdag pa niyang paliwanag.
Samantala, sinabi rin ng movie producer na hindi na lang siya nagpapaapekto sa mga bumabatikos sa kanya, “Life goes on for me. I brought my son to online school.
“I’m gonna have coffee with my wife for a bit and talk about what really matters in life. It’s unfortunate what happens online, but that’s part of the society today.
“At the end of the day, I subscribe to unity as what BBM and Sara are living by. Hopefully, our country will understand and one day realize it’s important to come together rather than be against each other,” diin pa ni Paul Soriano.
Habang sinusulat ang artikulong ito ay wala pang paliwanag si Bongbong Marcos hinggil sa nasabing kontrobersiya. Bukas ang BANDERA sa magiging depensa ng dating senador.
https://bandera.inquirer.net/300467/hirit-ni-bongbong-kay-direk-paul-soriano-ano-ang-sikreto-mo-at-fresh-ka-kahit-nasa-initan
https://bandera.inquirer.net/280850/toni-umaming-hindi-rin-perfect-ang-pagsasama-nila-ni-paul-parang-cooking-lang-yan
https://bandera.inquirer.net/281026/hirit-ni-alex-kay-toni-pag-may-away-sila-ni-paul-iwan-mo-na-yan-turuan-mo-ng-leksyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.