Mark awang-awa kay Baby Corky nang magka-COVID: Umiiyak ako kasi nakita ko kung paano mahirapan ‘yung bata
Nicole Donesa, Mark Herras at Baby Corky
GRABE ang naramdamang takot at awa ng Kapuso actor at dancer na si Mark Herras para sa panganay na anak nila ni Nicole Donesa nang tamaan ng COVID-19.
Nagpositibo rin sa virus ang Kapuso couple sa pagpasok pa lang ng Bagong Taon hanggang sa mahawa na nga ang mag-iisang taon pa lang nilang anak na si Baby Corky.
Ayon kay Mark, talagang nabagabag at naiyak siya sa kalagayan ni Baby Corky nang magkaroon na rin ito ng sintomas ng COVID-19.
Ganu’n daw pala ang pakiramdam ng isang magulang kapag nagkasakit ang anak, magkahalong pangamba at awa ang naramdaman niya nang makita ang kundisyon ni Baby Corky.
“After two days of trangkaso (namin ni Nicole), nahawa si Corky, so sobrang stress kami. Umiiyak ako nu’ng gabi kasi nakita ko kung paano mahirapan ‘yung bata,” pahayag ni Mark sa panayam ng “24 Oras.”
Kuwento pa ng aktor, buti na lang daw makalipas ang isang linggo ng pagse-self-quarantine sa kanilang kuwarto ay bumuti na ang kondisyon nilang mag-asawa.
“Pero sa awa naman ng Diyos, after a week lang din nawala na ‘yung symptoms namin,” pahayag ni Mark.
Ibinalita rin ng Kapuso star na pinaghahandaan na rin nila ni Nicole ang gagawing selebrasyon para sa first birthday ni Baby Corky bukas, Jan. 31.
View this post on Instagram
Sa isang panayam, nabanggit ni Mark na may mga pangarap na raw siya para sa anak, “Ang dream ko para sa kanya, sabi ko nga, if ever na gusto niyang pumasok din sa showbiz industry, gusto ko siyempre na matapos niya ang pag-aaral niya, kasi iyon ang hindi ko natapos.
“Ang mommy niya nakatapos, ako hindi. Gusto kong matapos niya muna iyon and after that, sige, do whatever you want to do and ang dream ko lang sa kanya, siyempre, gusto ko lang na maging happy, healthy at yung hihilingin ng anak ko, maibigay ko.
“Gusto kong makapag-aral siya sa maayos ng school. Yung typical dreams ng magulang sa anak and siyempre, ayokong magkasakit ang anak namin.
“At siyempre, gusto kong ma-experience naman niya ang outside world. Normal things sa isang bata like makapaglaro sa labas,” sabi pa ng celebrity daddy.
Samantala, muling mapapanood si Mark sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Artikulo 247” kung saan makakasama niya sina Kris Bernal, Rhian Ramos at Benjamin Alves.
https://bandera.inquirer.net/294814/nicole-emosyonal-sa-paghihiwalay-nila-ni-mark-omg-nakakaiyak-pala-yung-ganito
https://bandera.inquirer.net/294544/mark-herras-sa-pag-alis-sa-poder-ni-lolit-solis-bilang-talent-kasi-nadamay-na-ang-anak-ko
https://bandera.inquirer.net/293556/wish-ni-lolit-kay-mark-sanay-magseryoso-na-sa-buhay-ngayong-kasal-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.