NASAAN nga ba ang aktor/vlogger na si Enchong Dee?
Pinuntahan kasi siya ng mga pulis sa address nito sa Cubao, Quezon City pero wala siya kaya hindi naibigay ang warrant of arrest sa kasong cyber libel.
Matatandaang nag-tweet si Enchong ukol sa magarbong kasal ni Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) Representative Claudine Diana Bautista-Lim noong Agosto 2021.
Tweet ng aktor “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”
Walang pinost na mga larawan ang mga ikinasal maliban kay Michael Cinco na siyang nag-disenyo ng wedding goen ni Rep. Claudine
May kanya-kanya ring puna ang mga aktres na sina Agot Isidro at Pokwang gayun din ang aktor/vlogger/talent manager na si Ogie Diaz.
Absuwelto sina Agot, Pokwang at Ogie sa kasong isinampa ni Rep. Claudine na cyber libel pero si Enchong ay sumampa sa korte ang nasabing kaso dahil sa paninira ng aktor.
View this post on Instagram
Base sa binasang mensahe ni ‘Nay Cristy Fermin sa online program na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika ay mas mabuting mag-surrender na lang si Enchong at bayaran ang piyansa.
“Nag-prosper po ‘yung kaso sa piskalya at ngayon po ay mayroon na itong titulong People of the Philippines vs Ernest Lorenzo Velasquez Dee aka Enchong Dee.
“Ang kasong criminal na cyber libel ay nasa RTC (Regional Trial Court) ng Davao Occidental at siyang naglabas ng warrant of arrest nu’ng January 25, 2022.”
Pinuntahan si Enchong sa address na ibinigay niya na matatagpuan sa Cubao, Quezon City pero wala naman siya roon at ang sabi ng mga kapibahay ay matagal nang hindi nagpupunta roon ang binata.
Ang nasabing address na pinuntahan ng mga otoridad ay paupahan pala ng aktor.
Payo ni ‘nay Cristy sa aktor, “Ang pinakamagandang magagawa rito ni Enchong Dee ay ang voluntary surrender. Doon po siya pupunta sa judge na nag-issue ng warrant of arrest. Doon po sa sala na ‘yun ay pupuwede siyang maglagak ng piyansa.
“Hindi po pupuwedeng pagtaguan ito dahil lahat po ng sangay ng kapulisan ay pinadadalhan (kopya ng warrant of arrest).
“At heto pa po puwede ring mag piyansa si Enchong Dee dito sa Maynila basta hawak niya ‘yung WA niya kasi sa Davao Occidental ‘yan.”
Sapantaha ni ‘nay Cristy ay hindi naman nagtatago ang aktor kundi baka humahanap lang ng tiyempo o payo ng kanyang mga abogado si Enchong Dee, “Pero ang pinaka ano diyan, ‘wag mong paliitin ang mundo mo, mag voluntary surrender ka at kung magkano ang piyasan, kailangan mo talagang ibigay sa korte.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Enchong Dee kung bakit hindi siya mahanap ng mga pulis.
Related Chika:
Claudine Bautista-Lim nagsampa ng kasong cyber libel laban kay Enchong Dee
Enchong ‘dedma’ pa rin sa P1 billion cyber libel case na isinampa ni Claudine Bautista
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.