#SAKALAM: 'Bazinga' ng SB19 bagong 'longest-staying track at No. 1' sa BillBoard Hot Trending Songs | Bandera

#SAKALAM: ‘Bazinga’ ng SB19 bagong ‘longest-staying track at No. 1’ sa BillBoard Hot Trending Songs

Ervin Santiago - January 26, 2022 - 01:26 PM

SB19

KAYO na! Kayo na talaga ang “SAKALAM”! 

Muli na namang gumawa ng kasaysayan ang sikat na sikat na P-pop group na SB19 matapos itanghal ang kanilang hit song na “Bazinga” bilang “longest-staying track at No. 1 in BillBoard’s Hot Trending Songs chart.”

Nalagpasan na ng SB19 members na sina Pablo, Stell, Justin, Ken at Josh ang naitalang record ng Korean pop supergroup na BTS para naman sa kanilang kantang “Butter” na anim na linggong namayagpag sa Hot Trending Songs chart.

Base sa website ng Billboard, as of Jan. 25, ang third single mula sa 2021 extended play album ng SB19 na “Pagsibol” ay seven weeks nang nasa No. 1 spot at 12 linggo na itong namamayagpag sa chart.

At matapos makumpirma ang panibagong achievemeng ng grupo, mabilis ding naging top trending topic sa Twitter ang hashtag #SB19LeadsBillboardHTS.

Kasunod nito, todo naman ang pasasalamat ng grupo sa kanilang supporters all over the universe. Tweet ng SB19, “THANK YOU A’TIN!”

View this post on Instagram

A post shared by SB19 Official (@officialsb19)


In fairness naman talaga sa mga A’TIN talagang kinarir nila ang pagsuporta sa bagong single ng kanilang mga idol sa nakalipas na tatlong buwan gamit ang mga top-trending hashtags na siyang naging batayan para pumasok ito sa global chart.

Sa isang panayam, talagang inulit-ulit pa ng grupo na abot-langit ang pasasalamat nila sa kanilang fans dahil alam nila na kung hindi dahil sa mga A’TIN ay hindi nila maaabot ang estado nila ngayon.

“Hindi po namin mararating ito na kami lang. Kung wala pong naniwala sa amin, kung wala po yung mga taong sumusuporta sa amin, hindi po talaga kami makakarating dito kahit anong gawin namin,” ang pahayag ng grupo.

https://bandera.inquirer.net/299899/bazinga-ng-sb19-number-1-na-sa-billboards-hot-trending-songs-bts-laglag-sa-pwesto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285241/nakakatuwa-na-kahit-ibang-lahi-pinipilit-nilang-intindihin-ang-salita-at-kultura-natin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending