Kylie na-in love agad sa billiards, tuwang-tuwa nang regaluhan ng tako
Kylie Padilla
HUWAG na tayong magtaka kung isang araw ay mapanood na lang natin ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga billiard tournaments.
Siguradong kinakarir na ngayon ng celebrity mommy ang paglalaro ng billiards dahil sa next project na gagawin niya sa GMA 7 kung saan makakasama niya ang TV host-actor at dancer na si Rayver Cruz.
Kailangan daw niyang pagbuhusan ng ekstrang oras ngayon ang pagte-training sa nasabing sport para mas maging makatotohanan ang kanyang “the moves” kapag nagsimula na silang mag-taping.
In fairness, sa ilang araw lamang na inilaan niya para sa paglalaro ng billiards ay nasabi na agad ng aktres na napamahal na siya rito.
Sa isa niyang Instagram post, ipinakita nga ng Kapuso actress ang kanyang astig na litrato kung saan may hawak pa siyang tako o cue stick na isang essential tool sa paglalaro ng billiards.
Sabi ng estranged wife ni Aljur Abrenica sa kanyang caption, “I found a new appreciation and sport in billiards. I am in love with this game.
“I have a long way to go but even then, I am so lucky and grateful to be gifted my own tako by the one and only @rubilenamit from @predatorcues.
“Thank you! It’s such an honor. Hope to meet you in person and maybe share the screen with you,” aniya pa.
View this post on Instagram
Recently lang ay ibinandera nga ng GMA 7 na si Kylie ang napili nilang maging bida sa bagong teleserye kung saan gaganap nga siya bilang isang billiard genius.
“To be really honest never pa ako nag-billiards, hindi ko siya ma-grasp. But when I did lessons yesterday, parang nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers,” pahayag ni Kylie sa panayam ng “24 Oras” nang magkuwento about her first day of training.
In fairness, shookt ang kanyang mga coach na sina Billiards World Champion at National Team Member Johann Chua at professional billiards player na si Geona Gregorio.
Anila, malaki ang potensiyal ni Kylie para mag-excel sa nasabing sport. “Sobrang professional naman ni Kylie and sobrang nakikita namin kagabi na kaya niya talagang kunin ‘yung actions ng players,” ani Johann.
Sey naman ni Geona, “Kapag willing talaga siyang matuto, mabilis talagang mag-i-improve ‘yung game niya sa billiards. Sa observation namin kahapon, feeling ko mabilis gagaling si Kylie.”
https://bandera.inquirer.net/303494/kylie-padilla-kinakarir-ang-paglalaro-ng-billiards-makikipag-collab-kina-rayver-at-ruru
https://bandera.inquirer.net/288821/kylie-padilla-nagpatutsada-tungkol-sa-sumpa-may-hugot-sa-isyu-ng-pera
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.