Hidilyn Diaz: Akala ko Wonder Woman na ako, ayun, nagka-COVID din! Bandera

Hidilyn Diaz: Akala ko Wonder Woman na ako, ayun, nagka-COVID din!

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Hidilyn Diaz: Akala ko Wonder Woman na ako, ayun, nagka-COVID din!

Ervin Santiago January 23, 2022 - 09:44 AM

Hidilyn Diaz

MATAPOS tamaan ng COVID-19 ang ilang miyembro ng kanyang pamilya, ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz naman ang mahawa ng virus.

Ibinahagi ng weightlifting champ sa madlang pipol ang naging experience niya habang nakikipaglaban sa COVID-19 at kung paano niya ito napagtagumpayan.

Sa latest vlog ni Hidilyn sa kanyang YouTube channel sinabi nito na pagpasok pa lang ng taong 2022 ay may hinarap na agad siyang matinding challenge.

“Gusto ko lang i-share ang naging journey ko nu’ng nag-positive ako sa COVID-19 nitong mga nakaraang linggo.

“Yung ang ganda ng 2021 ko, pero pagpasok ng 2022, ito nangyari sa akin, may laban agad akong hinarap,” simulang pahayag ni Hidilyn habang maluha-luha.

Kuwento pa ng dalagang atleta, siya ang nag-alaga sa mga kapamilyang nagkasakit at tinamaan ng COVID-19 ngunit makalipas ang limang araw ay siya naman ang nahawa.

“Akala ko Wonder Woman na ako, ayon nagka-COVID rin si ate. Alam ko sa sarili ko na malakas ako. Pero mas malakas pala si Omicron,” sabi pa ng Olympic gold medalist.

Pagpapatuloy pa niya, “Mahirap itong pinagdaanan ko kasi kung alam niyo lang po nakakabaliw at tsaka wala akong training ngayon. Di ko pa alam kung how many days, hoping na ma-negative na sa antigen.”

Muli, pinaalalahanan ni Hidilyn ang sambayanang Filipino na patuloy pa ring sundin ang lahat ng health at safety protocols lalo na ngayong tumataas ang bilang ng COVID cases sa bansa.

“Hoping lahat tayo matuto mag-follow ng protocol. Huwag maging kampante, wear mask, wash hands, and magpa-vaccine na, booster na rin.”

Tulad ng ilang kababayan nating bakunada na with booster pa, nakaranas din ng mild symptoms si Hidilyn at ang kanyang mga kapamilya.

Unang ibinalita ni Hidilyn na nagka-COVID siya last week sa pamamagitan ng Instagram, “Kahit ako po, nagpositive na po. Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols.”

Gal Gadot napa-throwback sa Wonder Woman 1984: Can’t wait to be back in those boots!

Relasyon ni Maris kay Rico tanggap ng pamilya: Naintindihan naman nila…ang gaan sa pakiramdam

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending